I tried to call Gelou again; it's the 10th time na sinubukan kong tawagan siya pero hindi niya talaga sinasagot ang mga tawag ko.
Tiningnan ko si Gabby na hindi mapakali sa inuupuan niya. Tinatawagan naman niya si Jairus, pero gaya ni Gelou ay hindi din niya sinasagot ang tawag ni Gabby.
"Nasaan na ba ang dalawang yun?" Hindi ko mapigilang itanong.
Ilang oras na ang nakakalipas mula nang umalis silang dalawa sa restaurant. Sinundan namin silang dalawa pero dahil sa pagpapalit namin ni Teo ay hindi na namin alam kung saan sila nagpunta.
"No answers yet?" Tanong ko kay Gabby.
Ibinaba niya ang phone niya at sabay na napabuntong hininga. Tiningnan niya ako at sabay na napailing.
Seryoso kong tiningnan si Gabby at talagang naninibago ako sa ikinikilos niya ngayon. Hindi siya mapakali at panay pa ang tingin sa phone niya. Is he really worried? ─ worried for Gelou?
Kahit na alalang-alala ako sa kaibigan ko ay hindi ko rin mapigilang mapangiti. I'm enjoying seeing Gabby being concerned of Gelou─ na crush na crush siya. Kung nakikita lang ito ni Gelou ngayon ay kanina pa yun kinilig.
*Ting!*
Agad kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang message na natanggap ko. Nang makita kong galing ito kay Gelou ay agad ko itong binasa.
"I'm home. Hinatid na ako ni Jairus sa bahay. I'll call you later."
Nakita ko ang paghinga nang malalim ni Gabby. Tumango siya sa akin at sabay na ibinaba ang hawak niyang phone.
"Mabuti naman. Uhm... tara na." Tinanguan namin ni Teo si Gabby at agad na kaming naglakad papunta sa sasakyan.
Nagdirediretso na pauwi si Gabby, hinatid naman ako ni Teo sa bahay pero agad din siyang umuwi sa kanila.
Bago pumasok ng bahay ay hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Teo.
Tahimik ang buong bahay ngayon. It's Saturday but kuya Timothy and dad has work, so I'm sure that they are not here. Nagdire-diretso ako sa kusina nang wala akong makitang tao sa sala, pero gaya doon ay tahimik din dito. Naisipan ko nalang umakyat ng kwarto, it's been weeks nang huli kasi akong nakauwi─ I just missed my room.
Paakyat na sana ako nang mapansin ko ang picture frame na nakadisplay malapit sa hagdanan. Nilapitan ko ang cabinet na pinaglalagyan ng mga frames at tiningnan ito nang mabuti.
Naikunot ko ang noo ko. Tiningnan ko agad ang bracelet na suot ko.
"This can't be!" Bulong ko habang tinitingnan ito.
It's the same bracelet na nakikita ko ngayon na suot nina kuya Timothy at Aila sa picture.
Inilibot ko pa ang tingin ko sa iba pang pictures na nakadisplay sa sala.
Hindi nga ako namamalikmata─ suot nga nina kuya Timothy at Aila ang bracelet, kita ko ito sa wrist namin sa lahat ng pictures sa sala.
Hindi na ako nagdalawang isip na tawagan si Teo. I need to tell him what I saw. Hindi din naman niya pinatagal ang pagsagot dahil after one ring as narinig ko agad ang boses niya.
("Hello!") Aniya.
"TEO!" Agad kong sabi sa telepono.
("Hey! Calm down, what's the rush?")
Napabuntong hininga ako bago ko sinagot ang tanong niya.
"Teo, the bracelet─ suot nina kuya at Aila ang bracelet!"
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...