Ang aga kong nagising dahil sa alarm clock ni Teo. 4:30 AM palang ay nag-iingay na ito.
Ba’t naman ganoon kaaga niya sinet ang alarm? 8 AM pa naman ang first class namin.
Sinubukan ko ulit na matulog matapos ko iyong in-off, pero wala na eh...hindi na talaga ako dinalaw ng antok. Nag-ayos nalang ako para pumasok dahil balik school na rin ulit kami ni Teo ngayon.
Paglabas ko ng banyo ay mabilis akong nagbihis. Sinuot ko ang pinakaunang nakuha kong damit sa cabinet ni Teo. Nang matapos ako ay napatingin ako sa salamin nang madaanan ko ito.
Napangiwi ako sa aking nakita. Ganito ba talaga mag-ayos si Teo? Ang baduy! Sayang naman ang kagwapuhan niyang taglay.
Dahil hindi ako mapakali sa ayos ko ay hinalungkay ko ulit ang cabinet ni Teo. Bakit ba ang konte ng mga damit niya? Kaya pala pabalikbalik nalang ang mga isinusuot niya sa school. Lagi nalang polo shirt ang suot niya, magkakaiba nga lang ng kulay.
Napahinto ako sa paghahalungkay nang may mapansin akong paper bag sa gilid ng cabinet. Kinuha ko iyon at saka binuksan. Napangiti naman ako nang makita ko ang laman nito.
Whoa! Ang cute!
Ano ba iyong nasa loob? Uhm...it's a polo—a pink polo. And it's really nice and cute. Babagay talaga ito kay Teo—ay este for me.
Hinubad ko na yung una kong isinuot at isinuot ko naman iyong pink polo. Napangiti ako habang tinitingnan ang itsura ni Teo sa salamin. Ang cool niyang tingnan. Yung buhok Jose Rizal ni Teo ay inayos ko na rin. Ginulo ko ang buhok niya nang konte para hindi naman masyadong pormal ang mukha ko.
Isinuot ko rin yung glasses na nakita ko sa study table ni Teo. Hindi niya na ata iyon ginagamit dahil medyo luma na itong tingnan, pero okay pa naman siyang suotin...bagay pa naman sa kanya. Kinuha ko na ang bag ni Teo. Isinuot ko na rin ang rubber shoes niya at lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko ay naabutan ko sina tita sa dining room. Nakahanda na ang pagkain at mukhang ako na lang ang hinihintay nila kaya nagmadali na ako.
“Kuya, may sakit ka ulit?” Napatingin ako kay Trixie dahil sa tanong niya. Bahagya kong naikunot ang aking noo pero napangiti pa rin ako.
“Bakit?” Mukha ba akong may sakit?
Napangiti siya at saka ako sinagot. “Wala lang.” Napangisi nalang ako. Nilapitan ko siya at saka ko siya hinalikan sa kanyang pisngi, pati si rin tita ay hinalikan ko rin sa kanyang pisngi. Iyon kasi ang bilin sa akin ni Teo—ang huwag kalimutang i-kiss si Trixie at ang mama niya. Naupo na ako sa tabi ni Trixie at sinimulan nang kumain.
“Kuya, idaan mo ako sa school ko ha.”
...
...
...
“Kuya Teo!” Napalingon ako kay Trixie nang tawagin niya ako.
Ako ba ang kinakausap niya? Ano nga iyong sinabi niya?
“Ha?”
Sinabi niya bang idaan ko siya sa school niya?
“Ihatid mo ako sa school,” aniya. Seryoso ang tingin niya sa akin kaya bigla akong nailang.
“Ihatid? Ako? Paano?” naguguluhan kong tanong.
Nagtaka si Trixie sa sinabi ko. Naitaas niya pa ang kanyang mga kilay at saka diretso akong tiningnan. Kahit na nga ako ay naguguluhan rin sa sinabi niya. Ihahatid ko daw siya?
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...