“Ituloy natin ang pagiging mag-on natin.”
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa abnormal na pagtibok ng aking puso. My heart is beating so fast and so loud. Sa tingin ko’y mabibingi na ako dahil sa lakas ng tibok nito.
Ano ba iyong sinabi niya? I keep asking myself. Klaro iyon sa pandinig ko pero parang hindi ito kayang iprocess ng utak ko.
“Ituloy natin ang pagiging mag-on natin.” Paulit-ulit ko itong naririnig sa isipan ko.
“—pagiging mag-on natin.”
On?
“H-ha?” naitanong ko pagkahulihan.
Bakit ba ang lakas ng tibok ng puso ko? At tsaka, mag-on ba kami? Kailan pa? Hindi ko maalalang naging mag-on kami. Hala! Nababaliw na ata si Teo. Wala namang on ah.
“I mean...iyong pagpapanggap nating mag-on tayo. Ituloy nalang natin iyon,” paglilinaw niya. Mabilis akong napatalikod at saka ako napahinga nang malalim. Nilaliman ko ang aking paghinga para mawala ang kakaibang nararamdam ko.
Akala ko kung ano na. Akala ko may on na talaga. Kinabahan tuloy ako. Naman o!
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko siya hinarap ulit. “Ba-Bakit mo gustong gawin natin iyon?” tanong ko at saka ko siya tiningnan nang diretso sa mata. Tiningnan niya naman ako nang seryoso. Nakakatakot nga iyong mga tingin niya— ang talim.
“To make our life easier.” Naikunot ko ang aking noo dahil sa sagot niya. Easier?
“Ha? Diba mas mahirap ito?”
Magpapanggap kaming lovers? Paano ba namin ito gagampanan kung hindi naman talaga kami? Paano iyong mga ginagawa ng mga magsyota? Do we need to do that too?
“No! Sa tingin ko ay mas magiging madali para sa atin kung magpapanggap tayong—alam mo na, na tayo. Kasi kung ganoon ay pwede tayong mag-usap lagi in public. Pwede rin tayong pumunta lagi sa mga bahay natin. We will not miss anything.” Napaisip ako sa sinabi niya.
Kung magiging kami ay pwede nga akong pumunta lagi sa bahay namin. Makakasama ko sina mama anytime. Kung may celebrations ay pwede rin akong pumunta at maki-celebrate, wala nga akong mami-miss. Pero, diba bawal nga akong magkaboyfriend? Paano niya ito gagawin? Paano niya iko-convince sina mama na payagan siyang ligawan—na payagan akong magpaligaw?
“I don’t think so,” sagot ko. Ang hirap nitong gawin eh, sigurado akong hindi ito gagana.
“Subukan lang natin.”
“Susubukan? Paano kung...” Paano kung mainlove kami sa isa’t isa dahil sa pagpapanggap na iyan. Ayaw kong umabot kami sa ganoon.
“Don’t worry. Walang magbabago—” Hindi niya naituloy ang sasabihin niya. Napayuko siya kaya seryoso ko siyang tiningnan.
Pareho ata kami ng iniisip. Dapat ay hindi kami mainlove sa isa’t isa.
•••
“Ano po ba ang magandang bulaklak para ibigay sa nililigawan,” tanong ko sa florist na kaharap ko.
“Kahit ano hijo, basta sa tingin mo ay magugustuhan ng nililigawan mo,” sabi nito na nagpakunot ng aking noo. Napabuntong hininga ako.
Ano ba ang gusto ni Teo? Ay teka! Bakit siya ba ang iniisip ko? Dapat ako, ako naman ang liligawan ah. Tss! Nakakainis naman itong pagpapanggap na’to, sakit lang sa ulo.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...