CHAPTER 16: 3 Songs for You

540 24 0
                                    

“Let’s go. Tuturuan kita sa gagawin mo,” ani ng debut organizer sa akin nang makabalik na ako sa table namin.

“Okay,” sagot ko pero bago ko siya sinundan ay humarap muna ako kay Teo na kakarating lang. “Aalis muna ako,” pagpapaalam ko sa kanya. Tinanguan naman ako ni Teo kaya sinundan ko na ang babae na tinungo ang technical kung saan ino-operate ang mga music na pinapatugtog.

Nang marating namin ang lugar ay agad akong hinarap ng organizer. Hawak-hawak niya ang isang clipboard na tingin ko'y pinaglagyan niya ng list ng mga kakailanganin sa gabing ito. Tiningnan niya pa ito sandali bago siya napabaling sa akin.

“Okay, may tatlo kang kakantahin. You'll sing the first song as an intro song. Pagkatapos ng unang kanta ay i-introdunce na namin ang debutant. Habang bumababa siya sa hagdanan ay kakantahin mo naman ang second song. And the third song is habang nakaupo na siya sa stage. Kaya mo ba?”

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. I tried singing using Teo's body and I find his voice fine. Hindi ganoon ka-outstanding ang boses niya but it's fine, maganda namang pakinggan. He said that he doesn't sing, but I think otherwise. His voice sounds really nice, hindi lang siguro sinubukan ni Teo ang kumanta kaya niya iyon nasabi.

Sinabi na nga sa akin ng organizer ang mga kakantahin ko, and thankfully ay alam ko naman ang lyrics ng mga ito.

"Okay, 7 PM na. Sisimulan na natin ang program." Napahinga ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Kinakabahan ako nang sobra, but for Kring...I will do it.

Nagsalita na nga ang host at winelcome ang mga bisita kaya nagpalakpakan naman ang mga tao. Mas nakaramdam tuloy ako ng kaba nang marinig ko ang malakas na palakpakan ng lahat.

Sana maging okay lang ang pagkanta ko.

Tumugtog na ang first song kaya lumabas na ako mula sa backstage. Nagulat pa sina Gabby nang makita ako sa stage pero hindi ako nagpadala sa tingin ng mga tao at nakangiti ko lang silang hinarap kahit na sobrang kinakabahan na ako. I know na kakayanin ko ito.

“🎶~Wasn't really thinking, wasn't looking
Wasn't searching for an answer
In the moonlight, when I saw your face.

Saw you looking at me, saw you peeking
Out from under moon beams
Through the palm trees, swaying in the breeze~🎶" I sang at inilibot ko ang tingin ko sa buong venue scanning the faces of the people looking at me.

• • •

TEO

Ano ba ang pinaggagawa ni Rhaeca? Siya...kakanta? Alam kong singer siya pero nasa katawan ko na siya ngayon and I'm not a singer. Paano siya kakanta? Naman o!

Ano ba ang iniisip niya?  She will sing for Arcel using my body?  Paaasahin niya lang ang pinsan niya. I don't want that to happen. Hindi ko na mahal si Arcel, but I still care for her kaya ayaw ko siyang masaktan.

Nagsalita na nga ang host at winelcome ang mga bisita ni Arcel. Pagbaba ng host galing sa stage ay nagsimula na ring tumugtog ang musika. Lumabas na rin si Rhaeca mula sa backstage at tumayo sa gitna ng stage. With a smile in her face ay sinimulan na nga niya ang pagkanta.

Rhaeca! What are you doing?!

"🎶~Wasn't really thinking, wasn't looking
Wasn't searching for an answer
In the moonlight, when I saw your face.

Saw you looking at me, saw you peeking
Out from under moon beams
Through the palm trees, swaying in the breeze~🎶"

Natigilan ako. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko siyang kumanta. Totoo ba ito? Napapakanta niya ako? Paano?

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon