TEO
Pagdating namin ng kuya ni Rhaeca sa bahay nila ay hindi na niya ako tinantanan pa. Tanong dito, tanong doon. Ano ba siya? TEST PAPER?
Napabuntong hininga ako. Pumasok nalang ako sa kwarto ni Rhaeca at nahiga sa kama niya. Nakakainis! Big deal bang makita ang kapatid niyang may kasamang lalake sa mall? Parang kumakain lang naman kami, nagagalit agad. Tsk!
Napatingin ako sa bulsa ko nang magvibrate ang cellphone ni Rhaeca. May natanggap akong message kaya agad ko itong binasa.
From: My SWAP
Teo, nakauwi na kayo? Anong sabi ni kuya?
Nagsumbong ba siya kay mama?Naikunot ko ang aking noo. Isa pa 'to, tanong ng tanong din. Magkapatid nga ang dalawa. Nagtype nalang ako ng reply sa kanya kahit na inis na inis na ako.
To: My SWAP
Wala.Simpleng reply ko sa kanya. Nakakapagod na ang makipagtalo sa kanya . Makatulog na nga lang. Nahiga na ako at ready na para matulog nang biglaan nalang magring ang cellphone niya. Napabalikwas ako nang bangon at agad ko iyong kinuha. Tiningnan ko agad ito kung bakit ito nag-iingay.
_______________________
My SWAP Calling
_______________________AAAHHH! Kailan niyo ba ako tatantanan? Sa inis ay padabog kong sinagot ang tawag niya. "ANO?" galit kong tanong. Naiinis ako kaya wala siyang magagawa kung pagalitan ko siya.
("Walang sinabi si kuya?") tanong nito na ikinakunot ng noo ko. Kakatext ko lang sa kanya ng 'wala' ah. Hindi ba niya nagets ang kahulugan nun?
"Wala," sagot ko nalang. Ayaw ko nang makipagtalo pa. Sumasakit lang ang ulo ko.
("Sure?") paninigurado niya pa na nagpainit lang lalo sa ulo ko.
"Wala nga!" Ang kulit! "Ibababa ko na ito, inaantok na ako." Narinig ko naman siyang bumuntong hininga kaya natigilan ako. Ano na naman ang problema ng isang ito? "Anong problema mo," naitanong ko tuloy.
("Wala,") malungkot niyang sabi. I heave a deep breath.
"O sige na. Ibababa ko na." Ayaw ko nang habaan pa itong usapan namin, baka masanay pa itong si Rhaeca na kausap ako.
("Sige,") aniya at bigla nalang akong binabaan. Teka nga! Ano ba ang sinabi ko sa kanya? Diba ako dapat ang magbababa? Bakit ako ang binabaan?
Inilagay ko nalang sa side table ang phone niya at natulog na. Hindi na ako nagbihis dahil tinamad na ako. Paggising ko ay hapon na pala. Hindi ko inaasahang magiging mahaba ang tulog ko kaya mabilis akong bumangon at naligo. Pumasok ako agad sa banyo para makapag-shower muna. I closed the door at inihanda ang shower saka ako naghubad ng damit at saka sumampa na sa tub.
Sabon-Sabon-Sa....
Hoy Teo! Magtigil ka! Remember the Rules! Pagsaway ko sa aking sarili dahil nagsisimula na namang akong mag-isip ng kung ano-ano. Binilisan ko na ang pagsa-shower ko para agad akong matapos. Lumabas din agad ako ng banyo at naghanap na ng isusuot. I opened Rhaeca's closet at hinalungkay ang mga damit niya. Tss. Ano ba itong mga damit niya? Wala ba siyang normal na damit? Dresses? Sleeveless? Shorts? Wala bang malaking t-shirt?
Nagulo ko tuloy ang buhok ko dahil sa frustration kahit na alam ko namang magulo pa talaga ito dahil kakaligo ko lang. Isinuot ko nalang iyong t-shirt na nahanap ko. University t-shirt namin iyon last year. Okay na ito kesa iba dahil hindi ito gaanong malaswang tingnan. Tinali ko nalang din ang buhok ko at lumabas na ako ng kwarto. Kakain na rin kasi kami mayamaya.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...