CHAPTER 19: Gelou and Gabby ♥

578 19 0
                                    

GELOU

Alam niyo ba ang salitang A.W.K.W.A.R.D? Try ninyong isearch sa google o sa dictionary kung hindi niyo alam ang meaning ng salitang yan. Parang awkward lang, hindi pa alam.

(Konsensya: Ang feeler mo naman masyado. Ikaw na matalino, ikaw na!)

Hahaha! Huwag niyo namang sabihing feeler ako. Sadyang alam ko lang talaga ang meaning ng salitang iyan. Iyan kasi ang nangyayari ngayon sa amin ni Gabby kaya alam ko ang salitang iyan.

O.A. much?  Hayaan niyo na ako, inaalis ko lang iyong awkwardness na nararamdaman ko. Pagpasensyahan niyo na ako.


Halos 5 minutes kaming tahimik ni Gabby sa kotse niya habang nilalakbay namin ang kalye papuntang—ewan, hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi naman kasi sinabi ni Gabby kung saan kami pupunta. 5 minutes pa lang ang nakakalipas noong umalis kami pero parang ang tagal na naming nasa daan.

Aahhh! Ang tahimik naman, hindi ako mapakali kung ganito kami katahimik. Mas kinakabahan tuloy ako dahil sa katahimikang namamayani sa amin. Magpatugtog kaya ako? Oo nga no, ang talino ko talaga.

I was about to get my phone nang mapansin kong may nakalimutan ako. "Wait, where's my bag?" agad kong nausal.

Oh my! Nasaan na ang bag ko?

Tiningnan ko ang inuupuan ko, pati na ang sahig ng kotse. Pero wala eh. Tsk! Nakalimutan ko ata ito kina Gabby. Naman o!

"Naiwan mo ba ang bag mo?" tanong ni Gabby at napasilip siya sa akin. Pero agad din naman niyang ibinalik ang kanyang tingin sa daan. Mabangga pa kami kung tititig siya sa akin, diba?

"Ata eh," sabi ko nalang.

"Ang tanga mo naman, babalik pa tayo niyan. Tss!" Naikunot ko ang noo ko sa sinabi niya.

Bakit nagsusungit siya ngayon? Hindi ko naman sinasadyang maiwan yung bag ko sa kanila eh. Tss! Ito ba ang napala niya sa pagsama kay Teo? Pareho na silang masungit.

"Huwag ka nang bumalik. Pahiramin mo nalang ako ng phone mo, tatawagan ko lang si kuya. Ipapadala ko nalang ang bag ko sa kanya."

"Ano? Hindi natin babalikan? Eh iyong wallet mo? Andoon diba?" Naikunot ko ang aking noo.

Teka nga! Wallet ko? Bakit naman niya pinoproblema ang wallet ko?

"What's with my wallet?" curious na curious kong tanong.

"Eh anong ipanggagastos mo?"

Ipanggagastos? What the?!

"So, papagastusin mo pala ako. Nag-aya ka pa," medyo sarkastiko ko pang sabi. Nakakainis kasi eh, dapat ay hindi nalang ako sumama sa kanya kung ako lang naman ang paggagastusin niya.

"Malamang. Sinabi ko bang ililibre kita? Hindi naman ah."

Napahinga ako nang malalim at ni-relax ko ang sarili ko. Bawal akong mai-stress dahil nakakatanda lang iyan.

"The fact na inaya mo ako, dapat ikaw talaga ang gumastos. Ang ungentleman mo naman," kalmado ko pang sabi dahil sinusubukan ko talagang huwag mainis. Ayaw kong makipag-away.

"Ikaw na nga ang tinulungan kong makaalis doon sa boring na panonood mo kina kuya na gumawa ng project, ikaw pa itong naiinis." Natawa pa siya kaya napasimangot ako. Ang bad niya talaga!

"Mas okay na yung boring kesa naman dito na nagpapainit lang ng ulo ko. Ihinto mo nga ito, bababa na ako."

"Ikaw? Bababa? Bakit may pera ka bang pangcommute?"

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon