Dedicated to purple_shadow16
THREE YEARS LATER
Napangiti ako nang makita ko ang tanawing tatlong taon ko ring hindi nakita. Nakabalik na rin ako sa Pilipinas kasama sina mommy at ang nakababata kong kapatid na si Aila. Kagabi pa kami dumating pero ngayon ko lang talaga naramdamang nasa Pilipinas na ako. Mas malinaw ko na kasing nakikita ang kapaligiran ko mula dito sa balcony ng aking kwarto na kagabi'y hindi ko makita dahil sa madilim na.
I never thought na makakauwi na rin ako after three years na naglagi ako sa Canada. Napagdesisyonan kasi ni mommy na umuwi na kami dahil gaya ko ay namimiss na rin niya ang Pilipinas. May pakiramdam din ako na nagkabati na rin sina mommy at tito Tino na hindi itinigil ang panunuyo kay mommy.Noong nasa Canada kami ay lagi kaming nakakatanggap ng mails galing sa Pilipinas. Hindi ko nakita ang laman noon dahil ibinibigay agad ito ni manang kay mommy pero may time na nabasa ko kung kanino ito galing and I saw tito Tino's name.
Sa loob rin ng tatlong taong iyon ay taon-taon kung umuwi si mommy sa Pilipinas. Ang sabi sa akin ni daddy ay dinadalaw niya si kuya Tam kada-death anniversary nito and every birthday. Sa tingin ko'y sa loob ng tatlong taon na iyon ay nakapag-usap na rin sina mommy at tito Tino. I am also wishing na magkabati na nga sila, hindi na para sa misyong ibinigay ni kuya Tam kundi para nalang sa kanya. Before kuya Tam said his goodbyes ay isa lang naman ang kahilingan niya at iyon ay ang makita ang parents niya na ok na at magkabati na.
Sandali pa akong nagstay sa balcony ng aking kwarto bago ako pumasok sa banyo para maligo. May lakad ako ngayon, makikipagkita ako kay Gelou na matagal ko ring hindi nakita.
I was about to undress nang matanaw ko ang kwentas na nakasabit sa aking leeg. It was still shiny as it was brought to me three years ago. Napangiti ako habang inaalala ko ang nangyari nang gabing iyon.
---
Napabalikwas ako ng bangon. Tiningnan ko ang kinaroroonan ko and I silently cried when I found out that I am back in my room now. Why does it need to end? Gugustuhin kong manatili na lamang sa lugar na iyon kesa sa realidad na ito dahil doon ay kasama ko si Teo.
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto ng aking kwarto. Mabilis akong napatayo at binuksan iyon thinking that as soon as I opened it ay muli akong lalabas sa burol na pinagdalhan sa amin ni kuya Tam. But to my disappointment ay mukha ni manang ang sumalubong sa akin. I'm definitely back!
Napangiti si manang nang makita ako. "Mabuti't gising ka na hija. Maghanda ka na dahil aalis na kayo mayamaya." Sinilip ko pa ang alarm clock sa side table ko and found out that it's already 5 in the morning. Hindi ko inaasahang lilipas nang mabilis ang oras, kani-kanina lang ay pumasok ako sa lugar na iyon and it was only 10 in the evening pero ngayon ay 5 na ng umaga. Hindi nga umabot ng isang oras ang pananatili ko doon.
"Ok po," malungkot kong sagot. I don't have any choice but to come with mom. Nang tuluyan ng bumaba si manang ay isinara ko na ang pinto at nagdirediretso sa banyo. Napatingin pa ako sa salamin and I frowned when I saw those dark circles under my eyes. Sa nakaraang isang linggo ay wala akong tulog dahil sa mga problema ko, idagdag pa na tuluyan na akong aalis ngayon.
Napatalikod na ako sa salamin at nagtungo sa shower. Huhubarin ko na sana ang damit ko nang may makapa ako sa leeg ko. Muli akong humarap sa salamin at tiningnan ito mula doon. Nanlaki ang mata ko when I saw this silver necklace with a single wing pendant at sa gitna nito ay isang maliit na bato ng diamond. I never remember having this.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...