Rhaeca's POV
Naimulat ko ang mga mata ko nang magring ang phone ko. Kinuha ko ito at tiningnan ang oras.
It's 7 in the morning. Ilang oras palang ang tulog ko at inaantok pa talaga ako.
Napahikab pa ako bago ko ibinaba ang phone ko at mabilis na nag-ayos.
Bumaba ako at nagdire-diretso sa cafe para umorder ng kape at tinapay.
Pagkakuha ko ng order ay agad kong pinuntahan sina Gabby sa clinic. Wala pa sila sa kwarto namin kaya sure akong nandoon pa sila.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko silang dalawa ni Jairus na natutulog. Mukhang hindi pa nga talaga gumigising si Jairus simula pa kaninang madaling araw.
Nilapitan ko si Gabby na nakaupo lang sa sofa. Mahimbing ang tulog niya kaya hindi ko na siya ginising. Inilapag ko nalang ang dala kong tinapay at kape sa table at saka ako lumabas ng clinic.
Nagdire-diretso ako sa elevator dahil plano kong puntahan sina Teo sa kwarto nila.
Kumatok ako ng ilang beses bago ako pinagbuksan ng pinto ni Gelou. Sumalubong sa akin ang pagod niyang itsura. Halatang kulang siya sa tulog.
"Rhaec!" Mahinang tawag niya sa akin at sabay pa akong niyakap.
Mabilis din naman niya akong binitawan at agad na pinapasok sa loob.
"Kumusta si Teo?" Mahina kong sabi. Napangiti si Gelou at sabay na tiningnan ang kama sa harapan namin.
"He's fine. Pagod lang siya at kailangan ng pahinga."
Sabay kaming naglakad papalapit kina Teo at Kring na parehong natutulog ngayon.
"Ikaw? Magpahinga ka na muna. Mukhang hindi ka pa natutulog." Nakita kong napabuntong hininga si Gelou nang sabihin ko iyon.
"I'm okay. Nakatulog naman ako kahit na papano."
I smiled at saka ko inabot sa kanya ang supot na hawak ko.
"Bumili ako ng kape, pampaalis antok." Napangiti si Gelou at masayang kinuha ang supot.
"Kailangan ko nga talaga nito. Tara, kainin na muna natin 'to."
Naglakad siya papalapit sa sofa kaya sumunod ako.
Binuksan niya ang supot at inilabas ang tinapay at kape. Inabot niya sa akin ang isa at sinimulan na namin itong kainin.
Dahil sa halatang pagod pa si Gelou ay pinagpahinga ko na muna siya. Bumalik na rin muna ako sa kwarto para matulog ulit. Nang masiguradong kong okay naman si Teo ay medyo pumatag na ang kalooban ko. Kakausapin ko nalang siya mamaya kapag gumising na siya.
***
Nagising ako bandang 9 am nang gisingin ako ni Gabby. Nakabalik na rin si Jairus sa kwarto pero nagpapahinga pa rin ito dahil mataas pa rin ang lagnat niya.
"Kanina pa kayo?" Agad akong napabangon at hinarap sila.
"Kababalik lang namin." Sagot ni Gabby habang nakatingin kay Jairus na natutulog.
Mukhang nag-aalala nga siya sa bestfriend niya."Ah, ganoon ba?" Sagot ko nalang.
Tiningnan ako ni Gabby kaya napaupo ako ng maayos.
"Bababa kami para kumain. Alam kong Hindi ka rin nakapag-almusal kaya sumama ka na sa amin."
Nang sabihin niya yun ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Kumain naman kami ni Gelou ng tinapay kanina pero mukhang kulang pa yun para mabusog ako.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasiTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...