Chapter 48: The Party

382 15 0
                                    

Gelou's POV

I really feel awkward when I meet Rhaeca sa school the very next day. Alam kong nasaktan ko siya sa inamin ko noong nakaraang araw kaya nahihiya talaga ako.

She's not being distant to me pero pansin ko ang pagnakaw niya ng tingin sa akin. I don't know what she's thinking pero ang alam ko lang ay hindi maganda ang sinabi ko sa kanya.

Inaamin ko, I really feel inferior to my sister. We look equal pero ang totoo naman talaga ay mas nahihigit siya sa akin. She excels the most in everything we do, isa lang naman ang kulang kay Fritz eh—it's her health. Kung wala lang siyang sakit, everything will be perfect.

Hindi ako galit sa kanya, mahal na mahal ko nga siya pero ngayong wala na siya ay mas nagiging mahirap tuloy ang lahat para sa akin. Hindi ko lang mapigilang magtampo. Bakit niya ba ako iniwan?

"Anak!" Mom called me as she knocked on the door of my room.

Inihinto ko muna ang ginagawa ko at nilingon ang pinto nang buksan niya ito. I smiled to her as she entered my room.

"Yes mom?"

Mom smiled at nilapitan niya ako. Tumayo siya sa tabi ko at agad niyang hinaplos ang buhok ko.

"What are you doing?" Tanong niya habang nakatingin sa laptop ko. Napatingin din ulit ako dito.

"Ah, I'm just writing." Simpleng sagot ko at tiningnan ko ulit siya. "May kailangan po ba kayo?" I said to change the topic.

"Oh right! Tumawag pala si Amanda, she's reminding us about the party tomorrow."

"Ah. Ok po." Sabi ko sabay tango.

I'm not really in the mood now and I know mom can sense it, simple lang kasi niya akong nginitian.

"O nga pala. Amanda is also asking about Gabby." Napatingin ako kay mommy nang banggitin niya si Gabby.

"Po?" I asked.

Bakit naman tinatanong ni tita si Gabby?

"She's asking if Gabby is also coming. Sinabi kasi ni Aila na siya ang date mo sa party niya kaya siya nagtatanong!" Napabuntong hininga ako.

"Si tita talaga o."

"Make sure na pupunta siya. Amanda's excited to meet him, hindi ka kasi daw nagpapakilala ng boyfriend sa kanya." Napatingin ako kay mommy when she said that.

"Mom! Gabby's not my boyfriend, and..." Hindi kami ok ni Gabby ngayon kaya hindi ako comfortable sa pag-invite ni tita Aila sa kanya.

"I know. It's just that..." Mommy stopped at nginitian ako. "Just call him to make sure na dadating siya. Your tita is expecting him kaya 'wag natin siyang biguin." I heave another deep sigh.

Ano pa ba ang magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng suwayin si tita Amanda lalo na't birthday niya pa ito.

"Ok mom. I'll call him." Ngumiti si mommy at saka niya hinaplos ang buhok ko.

Hindi na rin nagstay si mommy nang matagal sa kwarto ko. Paglabas niya ay kinuha ko agad ko ang phone ko and I dialed Gabby 's number.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon