CHAPTER 8: My SWAP, My Boyfriend

848 25 0
                                    

TEO

Everything was peaceful. Komportable akong nakahiga sa malambot na kama and the cold temperature in the room is making me more sleepy.

“ATE! ATE!” I heard someone said. Nakaramdam pa ako ng pagyugyog kaya naalimpungatan ako.

“Mmmm...” Ano ba mom? Ang aga pa!

“Ate... gising na,” pag-uulit nito. Nabigla ako nang may biglang yumakap sa akin kaya mabilis akong napabangon at napatayo sa kama. Diretso akong napatingin sa taong yumakap sa akin. Natigilan ako nang makita ko ang kapatid ni Rhaeca na nagtatakang nakatingin sa akin. Why is she here?

“Ate?” nagtatakang tanong ni Aila sa akin. Nakataas pa ang kilay niya na mukhang nagulat din dahil sa ginawa ko.

“Anong ginagawa mo dito?” natataranta kong tanong. Ang bilis nga ng tibok ng puso ko dahil sa pagkagulat. Ano ba kasi ang ginagawa ng kapatid niya rito?

“Ok ka lang?” tanong niya na seryoso akong tiningnan, sinusuri niya kung wala bang problema sa akin. “Para ka namang nakakakita ng multo,” dagdag niya na pinaningkitan ako ng mata.

Hindi ako nagsalita, instead na sagutin siya ay tumakbo ako papunta sa banyo at mabilis na pumasok. Mabilis kong nilock ang pinto at napasandal dito pagkatapos. Ano ba kasi ang ginagawa ng kapatid ni Rhaeca dito?

“Ate!” tawag nito sa akin na kumatok pa sa pinto ng banyo.

“Lumabas ka na, mamaya mo na ako kulitin,” sabi ko pa. Nakakainis naman kasi itong kapatid niya. Bakit nalang bigla-biglang pumapasok sa kwarto ni Rhaeca?

“Oo na, lalabas na ako. PMS ka no? Hay naku Ate! Bumaba ka na. Nandiyan si kuya Jetrix, hinahanap ka.” Natigilan ako sa sinabi niya.

Si Jetrix? Ang lalakeng iyon na naman? Akala ko ba ay wala lang siya kay Rhaeca, eh bakit nandito siya?

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto, lumabas na ata ang kapatid ni Rhaeca. Napatingin ako sa salamin at agad akong nanginig nang maalala ko ang nangyari kanina. Naman o! Bakit ba ’yon yumakap sa akin? Nakakainis!

Naligo nalang ako at bumaba na. Sinuot ko yung malaking t-shirt ni Rhaeca na nakita ko sa closet niya. May ganito palang damit si Rhaeca, akala ko lahat ng damit niya ay pagirl na hindi ko talaga kayang suotin.

Nang makapagbihis ako ay agad akong napaharap sa salamin. Natawa ako nang makita ang itsurang ko. Itinali ko na ang buhok ko at dirediretsong bumaba. Hindi na ako nagpolbo o nagpabango. Parang yung lalakeng lang naman ang haharapin ko, bakit pa ako mag-aayos?

“Rhaeca!” Napatayo ito agad nang makita ako. Agad kong naikunot ang aking noo.

Tss! May paflowers pang nalalaman. Mukhang nanliligaw naman talaga ang lalakeng ito sa kanya ah! Bakit ayaw niya pang umamin?

“Rhaeca, anak? Bakit ganyan ang ayos mo?” Napatingin ako kay tita Anya na kapapasok lang ng sala. May dala siyang tray na may lamang pagkain at palapit na siya sa amin.

“Nasa bahay lang naman po ako,” wala sa mood kong sagot. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni tita kaya napabuntong hininga ako.

“Naku! Magbihis ka. Nakakahiya kay Jetrix,” saway pa sa akin ni tita na sinimangutan ko. Nakakahiya? Anong nakakahiya sa ayos kong ito?

“Sige na Rhaeca. Mamamasyal daw kayo ni Jetrix ngayon.” Natigilan ako nang sabihin niya iyon.

“PO?” usal ko. Mabilis akong napatingin kay tita na mukhang seryoso nga sa mga sinabi niya. Mamamasyal? Akala ko ba bawal?

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon