CHAPTER 22: Agos ng Buhay

528 23 10
                                    

The truth hurts, but it will set you free.

I really hope that’s true, because I really want to be free. Nakakapagod na kasi ang makulong sa isang pagkataong hindi mo naman kabisado at lalong lalo na ay iba sayo. Hindi madali na magpanggap sa mga taong dapat hindi mo naman pinagsisinungalingan.

Buong buhay ko, takot akong magsinungaling, na magtago at magpanggap. Pero dahil sa swap na ito ay nagawa ko itong lahat.

I’m stuck, but I really want to escape.

• • •

Nagsimula na kaming magkwento ni Teo kina Gabby. Lahat ng nangyari simula nang magkapalit kami ni Teo ay sinabi namin sa kanila. From the accident to the day we woke up at the hospital hanggang sa debut ni Arcel.

Tahimik silang nakinig sa amin. Hinayaan nila kaming magsalita at magpaliwanag bago sila nagtanong sa amin.

“So all those times...nagkapalit na kayo?” ’di makapaniwalang tanong ni Gelou. Napatango kami ni Teo bilang sagot. “Iyong holding hands? Iyong nagkasakit si Teo?”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Gelou. Napalunok din ako nang wala sa oras. Hindi ko inaasahang sasabihin niya pa iyon. Hindi naman kasi iyon holding hands eh. Hinila ako ni Teo that time at nagmukhang holding hands pala iyon sa kanya.

“Oo,” sagot ko na lang. Ayaw ko nang magpaliwanag pa, mukhang hindi naman big deal sa kanya iyong paghawak ni Teo sa kamay ko kaya hindi ko na palalakihin.

“Uhm...Teo, I mean Rhaeca...” Napailing pa si Gabby dahil sa pagkalito. “...naaalala mo ba iyong nag-usap tayo minsan sa school about sa debut ni Arcel?”

Napaisip ako sandali dahil sa sinabi niya. Inalala ko ang panahong iyon at pati na ang napag-usapan namin.

“Ikaw ba iyong kausap ko noon?” dagdag niya.

Teka! Hmm...Oh! Naaalala ko na.

Napangiti ako at tinanguan ko siya. Agad namang namula ang mukha niya kaya napayuko siya at agad tinakpan ang mukha niya.

“Nakakahiya,” bulong niya sa sarili but we still can hear it. Kung ako din naman ang nasa sitwasyon ni Gabby ay tiyak na mahihiya din ako.

Naaalala ko pa kung paano sinabi ni Gabby sa akin na ininvite siya ni Arcel sa birthday niya. Sinabi niya pang kaya siya ininvite ni Arcel ay dahil daw sa may crush ang pinsan namin sa kanya at gusto siya nitong makita. Pinipilit niya pa akong pumunta sa birthday ni Arcel noon kahit na sinabi ko nang pag-iisipan ko muna.

---

Sinabi ko kay Gabby na pag-iisipan ko muna ang pagpunta sa debut ni Arcel, pero ang totoo... hindi ko pa naman talaga alam kung pupunta ako dahil hinihintay ko pa ang approval ni Teo.

“Pumunta ka nalang para may kasama ako.” Napahinto naman ako.

Kasama? Ako? Magkasama kaming pupunta sa debut ni Arcel? Pupunta pala siya?

“Pupunta ka sa debut niya?”

“Oo. Ininvite ako ni Arcel. May gusto daw kasi sa akin iyong pinsan niya and gusto nung pinsan niya na pumunta ako doon para makapagkilala kami. Hindi kaya si Rhaeca iyong may gusto sa akin? Diba sabi mo magpinsan sila?” Napatingin siya sa akin na mukhang nag-isip pa talaga. “Huwag kang magalit ah! Di mo naman siya crush diba?”

---

Habang iniisip ko ang mga sinabing iyon ni Gabby ay natatawa talaga ako. Hindi ko siya masisisi kung bakit siya nahihiya ngayon. Tiyak na hindi pumasok sa isip niya na ako pala mismo ang sinabihan niya ng mga salitang iyon. Kapag sa akin iyon nangyari ay mahihiya talaga ako.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon