Dedicated to RicaAguirre
RHAECA
Patuloy akong umiyak kahit na hinatid na ako ni Jairus sa bahay. Ilang beses niya akong pinatahan pero dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi talaga ako matigil sa pag-iyak. The truth I heard from Jetrix is making me go crazy.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. All we know is that si kuya Tam ang dahilan ng swap namin ni Teo, pero ngayong nalaman kong si Jairus ang dahilan kung bakit kami naaksidente ay nagsisimula na akong mag-isip na baka dahil sa kanya kaya nangyayari ang lahat ng ito sa amin. Iniisip ko pa na kaya nagpakita si kuya Tam noong araw na iyon ay para iligtas kami ni Teo sa panganib na maaaring kumitil sa aming buhay.
Ngayon ay nagsisimula na talaga akong matakot kay Jairus. Minsan na niyang sinubukang saktan si Teo at maaari niyang gawin iyon ulit. Kung wala ako noon sa tabi ni Teo ay baka may masamang nangyari na sa kanya.
Nang makauwi ako ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung nakita na ako ni mommy dahil hindi ako natigil sa pag-iyak. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod.
I woke up the next day feeling so tired. Mabuti nalang talaga at walang pasok kaya hindi ko kailangang umalis. Mugto kasi ang mata ko kaya ang panget-panget kong tingnan ngayon.
Kahit na masama pa rin ang aking pakiramdam ay nag-ayos nalang ako. Ang dungis kong tingnan dahil sa kaiiyak ko kagabi and ayaw ko namang makita ako nila papa na ganito ang itsura.
Habang kumakain kami ng breakfast ay wala talaga kaming imikan. Pansin ko rin ang pasimple nilang pagtingin sa akin at kapag nag-angat naman ako ng tingin ay agad din silang iiwas. I find it annoying pero nagpapasalamat na rin ako at hindi nila ako kinukulit.
"Jairus will not be coming kaya dito ka lang sa bahay," sabi ni mommy nang matapos kaming kumain. Tinanguan ko lang naman siya at hindi na sinagot pa. Ayaw ko nang makipagdiskusyon dahil alam kong wala rin naman akong magagawa. Umakyat na ulit ako sa kwarto at nagkulong roon.
I was reading a book to make myself busy when someone knocks at my door. Napabalikwas ako ng bangon at agad na tinungo ang pinto. Dahan-dahan ko itong binuksan and I was shock to see my cousin Arcel. Why is she here?
"Kring?" nasambit ko and she replied me with a smile. "What are you doing here?" dagdag ko.
Tuluyan ko nang binuksan ang pinto para makapasok siya. Nagtuloy-tuloy din naman siya papasok at agad naupo sa maliit na couch sa gilid ng kwarto ko.
"Masama bang bisitahin ang pinsan ko?" tanong nito na agad kong inilingan.
"Hindi naman sa ganoon. Nabigla lang akong makita ka." Napangiti ulit si Kring at sinenyasan akong tumabi sa kanya. I was not allowed to accept visitors kaya nakakabiglang makita siya ngayon. Well, she's my cousin kaya hindi naman siguro siya pagbabawalan ni mommy na makita ako.
"I just missed you kaya ako pumunta dito, and..." Napahinto ito at saka sinilip ang pinto, para bang inuusisa kung may nakikinig sa amin. Muli siyang umayos sa pag-upo at seryoso akong tiningnan. "...nakausap ko si Teo," aniya na nagpabigla sa akin. Inayos ko naman ang sarili ko at saka nag-iwas ng tingin sa kanya. I feel like crying and I don't want her to see me like that. I don't want to feel weak right in front of my cousin.
"I'm fine Kring," I lied. Kung pumunta siya dito para kamustahin ako then I am telling her that I am fine. Ayaw ko na siyang idamay sa problema naming ito.
"Couz, don't lie to me. Jetrix told me everything." Nang sinabi niya iyon ay agad akong napatingin sa kanya.
What did she just said? Jetrix told her everything? Is she acquainted with Jetrix?
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...