I dedicate this chapter to her, kasi inadd niya ang story ko sa reading list niya na Mariestella Racal. And the very awesome thing ay nagvote din po siya. Thank you so much, you really made me happy. I hope you will enjoy reading this chapter. Arigatou.
—❇️—
Everything seems magical tonight. Ang sarap sa pakiramdam na nakabalik na ako sa katawan ko. Sana nga lang talaga ay hindi na kami ulit magkapalit ni Teo. Living in another person's body is really hard, hindi ko nga alam kung paano ko nakayanan iyon.
Huminto kami nang nasa tapat na kami ng bahay. Lumabas muna ako para buksan ang gate at para maipasok ni kuya ang kotse sa garahe.
“Pumasok ka na hija, ako na ang magsasara ng gate.” Napalingon ako kay manang nang magsalita siya. Lumabas pala siya ng bahay nang marinig kaming dumating. Nginitian ko siya agad. Namiss ko rin si manang ah. I missed her voice everytime she calls me for dinner and everytime she wakes me up in the morning. Hindi ko na ito naririnig mula nang kina Teo na ako tumira.
Nilapitan ko agad si manang and I gave her a hug. Nabigla siya sa ginawa ko but she hugged me back. Ito ang naging dahilan kaya napangiti ako lalo.
“Ano bang nangyari sayo hija?” nagtatakang tanong niya. Napailing naman ako.
“Wala po manang . Namiss lang kita.” Hindi pa ganoon katagal nang nagkapalit kami ni Teo but it’s like forever.
“Para namang hindi tayo nagkikita lagi,” natatawa niyang pahayag.
“Basta po manang , namiss lang talaga kita.” Sa sinabi kong iyon ay natawa si manang.
“Ikaw talagang bata ka,” natatawa niyang sabi. Napatawa na rin ako. “O sige na. Pumasok ka na, isasara ko na rin ang gate.” Napabitaw na ako sa pagyakap kay manang at tiningnan siya.
“Okay po manang,” sagot ko at napangiti ulit ako.
Sabay na kaming pumasok ni kuya at sumunod nalang si manang sa amin. Nang buksan ni kuya ang pinto ay natigilan ako.
Bakit ang dilim? Wala bang tao sa bahay? Nasaan sina mama? Nauna silang umuwi ah. O baka tulog na sila. Sabagay, malalim na rin ang gabi at galing pa kami sa party kaya baka pagod na rin sila.
“Manang, tulog na po ba sina mama?” tanong ko kay manang nang pumasok siya. Sinara niya muna ang pinto bago ako hinarap.
“Hindi pa siguro hija. Kakaakyat lang ng mama mo nang dumating kayo.”
Ganoon ba? Okay.
"Sige po." Iniwan ko na sina manang at kuya at pinuntahan agad sina mama sa kwarto nila.
Ayaw kong matulog ngayong gabi na hindi ko sila nakakausap. I missed them so much and I don't want to waste this time... gusto kong makipagkwentuhan sa kanila.
Kumatok muna ako bago pumasok. Tahimik na sa loob nang buksan ko ang pinto pero hindi pa naman nakapatay ang ilaw kaya I'm sure they are still awake.
"Ma! Pa!" tawag ko sa kanila at pumasok ako namg tuluyan sa loob.
"Anak, ba't hindi ka pa nagbibihis?" ani mama at nilapitan niya ako. Tiningnan ko naman si papa na tahimik lang na nakahiga sa kama at binabasa iyong paborito niyang libro.
I sighed.
Galit pa rin ba siya dahil sa nangyari kanina? Ito talagang papa ko o.
"Ma, mamaya na po ako magbibihis. Lalambingin ko po muna si Mr. Galit para hindi dumami lalo iyang wrinkles niya sa noo dahil sa kakakunot." Napangiti si mama sa sinabi ko at sabay naming tiningnan si papa na mas kumunot ang noo.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasiTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...