Chapter 47: Reflection

367 15 0
                                    

Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pagkekwento kay Rhaeca nang mga nangyari sa amin ni Jairus. Iniisip ko palang kasi ang mga nangyari nang araw na iyon ay kumukulo na agad ang dugo ko sa galit.

Inihinto muna ni Rhaeca ang sasakyan niya sa tapat ng isang coffee shop. She decided na doon na namin ipagpatuloy ang pag-uusap namin.

"So what did he said nang inihatid ka niya pauwi?" Panimulang tanong ni Rhaeca nang makaupo na kami. May kinakain na rin kami ngayon.

Napabuntong hininga ako.

"Tsk. That jerk! Ang kapal talaga ng mukha niya." Hindi ko mapigilang sabihin.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Rhaeca kaya napayuko ako. Medyo nahihiya ako dahil hindi ko napigilan ang bibig ko.

"Sorry Rhaeca." Paghingi ko ng tawad sa kanya. She smiled awkwardly bago niya ako sinagot.

"No, it's ok. I understand you. Pero bakit ka ba galit na galit sa kanya? Sa kwento mo sa akin kanina parang ok na nga kayo ni Jairus eh, what happened?"

"Well, noong una ay naging ok naman talaga kami. Nagpapasalamat kasi ako sa kanya dahil tinulungan niya ako tungkol kay Cyrus pero—akala ko lang pala." Naikunot ko na naman ang noo ko. Sa tingin ko nga'y nag-aabot na ang mga kilay ko dahil sa galit.

He's really a jerk! Plastic pa!

"Care to tell?" Tiningnan ko siya and I nod slowly.

---

Tahimik na nagmamaneho si Jairus kaya hindi ko rin magawang magsalita. Nasa kanya pa rin ang mga gamit ko kaya wala akong magawa kung 'di ang sumama sa kanya.

I really want to call Rhaeca or kahit na si Gabby man lang dahil alam kung nag-aalala na sila ngayon pero my phone is still with him.

Napahinga ako nang malalim at saka ako napatingin sa labas ng sasakyan. Hindi gaanong traffic ngayon lalo na't maaga pa naman. Maraming sasakyan sa kalye pero hindi naman nagsisiksikan kaya tiyak na makakauwi agad ako sa amin and I really can't wait to get home. Awkward na awkward kasi ako sa sitwasyon namin ni Jairus ngayon.

Napaupo ako nang maayos nang bigla nalang siyang nagsalita at bulabugin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tiningnan ko siya at kita ko ang nag-aabot niyang kilay, he looks annoyed.

"Tsk!" Naikunot ko ang aking noo sa ginawa niyang yun. What's his problem?

Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siya, ayaw ko kasing makipag-away sa kanya lalo na't mukhang wala siya sa mood. Baka hindi niya pa ituloy ang paghatid sa akin at kung saan pa ako dalhin.

"You're really pathetic!" Naikunot ko ang aking noo nang marinig ko iyon.

"W-what!?" Naiinis akong tumingin sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang pagtingin sa kanya ng masama.

Nilingon naman niya ako pero agad din niyang binawi ang tingin niya.

"Desperada ka na ba talaga kaya ka nakipagdate sa anak ni Mr. Harris? Are you selling yourself like Fritz!?" Agad na uminit ang mga mata ko. Nangingilid na mula rito ang mga luhang hindi magtatagal ay papatak rin.

"How dare you say that?" Mangiyak-ngiyak kong sabi.

Selling myself? Selling myself like Fritz? What the hell?

"Why are you bringing up my sister?" Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Ano bang problema niya? He's mad at me for no reason. Ngayon sasabihin niya pang desperate ako, idadamay niya pa si Fritz. Ano bang ginawa ng kapatid ko sa kanya?

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon