Chapter 45: Wearing

380 19 0
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali. Panay ang tingin ko kay tito Tino na ngayon ay nagbabasa ng newspaper habang kumakain.

Kahapon ko pa talaga gustong itanong sa kanya kung bakit nasa Newman siya kahapon, kaso nahihiya naman akong magtanong kaya ipinagpabukas ko nalang. Pero heto, hindi ko pa rin magawang itanong sa kanya ang tungkol dito.

Hindi ko alam kung bakit, pero may hinala kasi ako. Simula nang makita ko si tito sa Newman ay mas nadagdagan pa ang mga tanong ko.

Bakit nasa Newman si tito gayong wala naman sa mga anak niya ang nag-aaral dito?

Tiningnan ko ulit si tito. Napabuntong hininga ako, hindi ko kayang itanong iyon kay tito. Hindi ko kasi alam kung tama ba na isipin ko ang mga ito. Paano pala kung may business appointment lang siya sa Newman, baka nag-iisip lang talaga ako ng sobra.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ang curiosity ko at nagpatuloy na ulit sa pagkain.

••

Teo's POV

It's 10 in the evening pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang nakita namin ni Rhaeca sa Newman.

Bakit nasa Newman si daddy? Anong ginagawa niya roon?

Alam kong alumni siya sa Newman but it's not enough para pakalmahin ang utak ko. I have doubts and I'm not liking it, ayaw kong pagdudahan si daddy kahit na sa pinakamaliit na bagay dahil alam kong hindi maganda ang idudulot nito.

Napabuntong hininga ako. Naisipan kong bumangon at bumaba sa kusina.

Tahimik na ang buong bahay kaya tahimik rin akong naglakad pababa.

Kumuha ako ng baso at naglagay ako ng gatas dito. Sana nga lang ay makatulong ito para makatulog ako.

••

Rhaeca's POV

I dialed Gelou's number and I'm glad na sinagot din naman niya ito agad.

Gusto ko talaga kasi siyang makausap lalo na't hindi na kami gaanong nagkakasama these past few days. Naging busy kasi kami ni Teo sa paghahanap and si Gelou naman ay busy sa pag-iwas sa amin simula nang mangyayari yung sa restaurant.

She texted me na kakausapin niya ako tungkol doon after niyang magpahinga that day pero hindi na niya ako nacontact pa. Ayaw ko rin namang magdemand ng explanation mula sa kanya dahil alam kong magsasalita din naman siya kapag gusto niya.

But I think it's time na mag-usap na kami. May gusto rin kasi akong itanong sa kanya dahil sa mga nangyari nitong nakaraang araw.

"Busy ka?" Bungad ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko.

("Bakit?") Matawa-tawa niya pang tanong.

"Wala naman, makikipagdate lang sana ako sayo kung 'di ka busy." I tried to sound so serious pero tinawanan niya lang ako.

("Makikipagdate? Naku! Baka magalit sa akin si Teo.") Tumatawa niyang sabi kaya napatawa din ako.

"So ano? Free ka? Shopping tayo or kain sa labas."

Saglit siyang natahimik pero sumagot din naman siya.

("Sure, saan tayo?") Napangiti ako dahil sa sagot niya.

"Talaga? O sige, I'll pick you up in 30 minutes. Siguraduhin mong handa ka na ah!" Tumawa na naman siya.

("Opo ma'am.") Sagot niya.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon