“So, ano na?” tanong ni Gabby dahil hindi namin siya nasagot ni Teo. Hindi pa rin ako nakapagsalita tulad kanina. Para bang naputol ang dila ko at walang boses na lumalabas mula sa bibig ko. Napipipi ako.
“It’s not what you think.” Si Teo na ang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso ang tingin sa amin ni Gabby kaya hindi ko mapigilang mas kabahan. Tinapunan naman ako ng nagtatanong na tingin ni Teo pero agad din naman niya iyong itunuon kay Gabby na sabik na nag-aabang ng paliwanag mula sa amin. Naikunot ko nang lubusan ang noo ko.
Ano naman ang ipapalusot niya?
“So, ano pala ang totoo?” Tumabi si Gabby kay Teo at tinitigan ito nang mabuti. Halatang hindi na siya makapaghintay na sagutin namin ang katanungan niya. Siguro kung hindi kami nagkapalit ni Teo at ako pa rin ang nasa posisyon niya ngayon kung saan ay tinititigan ako ni Gabby, tiyak na kanina pa ako nako-conscious. Mabuti nalang talaga at nagkapalit kami ngayon ni Teo dahil hindi ko kasi alam kung kakayanin ko ba ang titig niya, I’m sure na maiilang talaga ako. Hindi naman sa may gusto ako sa kanya at nahihiya ako. Hindi ko lang talaga kaya ang titigan ako ng isang lalake lalo na’t hindi naman kami ganoon ka close. Kung ako ang nasa posisyon ni Teo ngayon ay baka kanina pa ako namula.
“Uhm...” I started. Ano ba ang sabihin ko? Napaisip ako nang malalim. “Nagpaplano kami,” wala sa sarili kong sabi na naging dahilan ng pagkunot ng aking noo. Ano bang pinaplano namin?
Hoy Rhaeca! Makalusot ka lang, kung ano-ano na ang iniimbento mo!
Napatingin silang dalawa sa akin at kapwa sila nagtaas ng kilay. Napangiti lang naman ako. Ano ba ang pinagsasabi ko? Ano ang palusot na ibibigay namin kay Gabby?
“Anong pinaplano niyo?” pagtatanong ni Gabby. Seryoso niya akong tiningnan kaya mas kinabahan ako. My gosh!
“Uhm...p-para sa...sa pageant.” Yeah! Sa pageant. Nagpaplano kami para sa pageant. Ang galing mo talaga Rhaeca!
May naisip na akong ipapalusot at tiyak akong gagana ito. Siguradong makakalusot kami kay Gabby.
“Talaga? Para sa pageant?” sarkastikong tanong niya. Halatang hindi ito naniniwala sa sinabi ko. Napangiti naman ako at confident na tiningnan siya.
“Oo, infact ay may pinapakita ngang picture si Rhaeca sa akin. Mga picture ng mga pwede naming suotin sa pageant.”
Good Rhaeca! Mabuti nalang talaga at mahilig ka sa fashion and you collected pictures of gowns and suits. May magagamit ka na sa palusot mo.
“Ha?” gulat namang tanong ni Teo. Mukhang kinakabahan pa siya ngayon pero binalewala ko lang ito. Teo don’t have to worry dahil alam kong lulusot kami dito.
“Talaga? Patingin nga ng mga pictures,” ani Gabby na agad na nagpakunot sa noo ni Teo. Napalingon siya sa akin at tiningnan ako nang masama. Muli akong napangiti sa kanya not minding his deathly glares.
“Oo nga Rhaeca, ipakita mo kay Gabby ang mga pictures. Baka matulungan niya tayong pumili ng masusuot natin. Ilabas mo na phone mo.” Sinenyasan ko si Teo na ilabas ang phone ko kaya inilabas niya naman ito. “Ang dami niyang pictures ng suits and gowns, tulungan mo nga kaming pumili Gab.” Kinalikot na ni Teo ang phone ko at napangiti din naman siya kalaunan. Naiintindihan na niya siguro niya ang mga sinasabi ko.
“Tingnan mo Gab. Ano ba maganda?” aniya. Nakangiti na siya ngayon habang pinapakita ang mga picture kay Gabby. Ang galing ko talaga!
“Wow! Kayo na ang excited,” ani Gabby na nakatuon pa rin ang atensyon sa phone kom“Next month pa naman ang pageant pero naghahanda na kayo nang ganito kaaga? Excited talaga kayo,” dagdag niya. Napangiti lang ako. Si Teo naman ay nakatingin lang sa akin kaya nginitian ko rin siya. Siguro proud siya sa akin dahil nakalusot kami. “Akala ko ba Teo at may bibilhin ka?”
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...