Third update. XD
—❇️—
TEO
“I really don’t know about everything. But one thing is for sure.” Tiningnan niya si Rhaeca at nagpatuloy sa sasabihin niya. “He’s back to take Rhaeca.”
Napatayo agad ako pagkarinig ko nun.
Napatingin ako kay Jetrix. Sabay kasi kaming napatayo nang marinig namin yun.
Tiningnan niya ako ng masama kaya kinunutan ko siya ng noo.
"Teo?" Ibinaba ko ang tingin ko kay Rhaeca. Nagtataka siyang nakatingin sa akin at kay Jetrix.
Tss. Umeepal na naman kasi ang lalakeng yun.
Hindi ko na lang siya pinansin at naupo na ulit ako. Tiningnan ko si Gabby.
"Paano mo nasabi yun?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"Uhm..." Napakamot si Gabby sa batok niya. "Nakausap ko siya kanina..."
"What?" Nagulat kami nang bigla na lang pinutol ni Gelou ang sasabihin sana ni Gabby. Nakakunot ang noo ni Gelou at mukhang hindi nagustuhan ang narinig kay Gabby.
Hahaii. Wala kaming makukuha nito kung puputulin lang ni Gelou ang sasabihin niya.
"Gelou." Tawag ko. Tumingin naman siya sa akin at sumimangot. Sinenyasan ko na si Gabby na ipagpatuloy ang sasabihin niya.
"So, nakausap ko nga si Jairus kanina. Wala naman siyang sinabi tungkol sa mga gagawin niya. Pero paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ni Rhaeca."
"Ano pang sinabi niya?" Napatingin ako kay Rhaeca. Halata sa kanya na nag-aalala siya.
Don't worry Rhaeca, hinding-hindi ko hahayaan si Jairus na kunin ka sa akin. Propektahan kita.
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin. Nginitian ko si Rhaeca kaya napangiti din siya.
"Wait!!" Napatayo ulit si Jetrix at napatingin sa amin.
Kumunot naman agad ang noo ko.
Ano na namang problema nito?
"Kayo na ba?" Pinaghalong gulat, galit, pag-aalinlangan at disbelief ang makikita sa mukha ni Jetrix.
Hindi ko masagot ang tanong niya. Hinigpitan ko lang ang hawak ko sa kamay ni Rhaeca. May Jairus na ngang nagsabing kukunin niya si Rhaeca, may Jetrix pang umeepal. Tss.
Napatingin lang sa amin sina Gabby at Gelou. Palipat-lipat ang tingin nila sa akin at kay Jetrix, habang si Arcel ay diretso lang ang tingin sa akin at kay Rhaeca.
"Bakit hindi kayo makasagot?" Reklamo niya.
Hindi pa din kami nakasagot. Hindi ko kasi alam kung kami na ba. All I know is I love her and she loves me. Hindi ko hahayaang kunin nila sa akin si Rhaeca.
"YES." Natigilan ako. Dahan-dahan kong tiningnan si Rhaeca. Nakatingin lang siya sa akin at may mga ngiti pa siya sa mga labi niya. "Yes. He's my boyfriend." Tiningnan ko siya ng 'Di nga? Totoo? Tayo na?' look. Ngumiti ulit siya. She also wore this amused look.
Lumapit siya sa akin at may binulong.
"Swerte mo kong ganun. Joke lang yan. Ligawan mo muna ako bago kita sagutin." Natatawang bulong niya sa akin at hinarap ako ulit.
Ngumiti siya ng ubod ng tamis. Halatang natutuwa siya sa pangungulit sa akin.
Sumimangot ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...