RHAECA
Napahinto ako sa paglalakad nang may mapansin akong isang bagay na nakasabit sa may leeg ko. Kinapa ko ito at iniangat para matingnan ko.
"Rhaec?" sambit ni Teo. Napahinto rin siya sa paglalakad at nilapitan ako.
Palabas na sana kami ng auditorium at pupuntahan na sana ang mga kasamahan namin. Tapos na kasi ang pageant at uuwi na kami.
Tiningnan ko si Teo with a confused look. Kumunot ang noo niya at tiningnan ako nang diretso.
"What's the matter?" tanong niya. Hinawakan ko ang sling sa leeg ko at ipinakita ito kay Teo. Lumapit siya sa akin at tiningnan ito nang mabuti. "Bakit mo ito suot?"
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Dapat ako nga ang nagtatanong sa kanya ng ganoon eh. Nagkapalit kaya kami. Hindi naman ako ang nag-ayos sa sarili ko kanina, diba?
"Hindi mo ba ito isinuot kanina?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Huling beses ko itong nakita ay noong nasa resort pa kami. Paano ito napunta sa leeg ko ngayon? Dinala ba ito ni Teo pauwi?
"No." Napailing pa siya. "Iniwan natin yan sa resort, paano yan napunta sayo?"
Namilog ang mata ko. Kung iniwan niya ito sa resort, paano ito napunta sa akin?
"So, hindi mo nga ito dinala?" paniniguro ko. Umiling ulit siya. Hinubad ko ang ID sling at tiningnan ito nang mabuti. "Bakit ito nasa akin?" naguguluhan kong tanong sa sarili ko.
Binasa ko ang nakasulat sa sling.
Newman Academy: Grade School
"It's a name of a school," sabi ko at inabot ito kay Teo. Hindi ko naiintindihan kong bakit ito nasa akin. Ano naman ang gagawin namin sa sling na yan-WAIT! Nag-angat ako ng tingin kay Teo. "Is it a clue?" I asked. Tiningnan ako ni Teo and he really look confused.
"Clue? For what?" tanong niya.
Napahawak ako sa batok ko. Hindi ako sure sa naiisip ko, but I really have this feeling na related ito sa mission na binigay ng bata sa amin.
This is the third time na nagkapalit kami ni Teo. The first one was on Arcel's debut and at that time ay ibinigay sa amin ng bata ang misyong hanapin ang dalawang taong nagbago dahil sa kanya. The second one was in the resort. That was time na nakita namin itong ID sling for the first time, pero binalewala lang naming ito. And now- ito ulit. Paano kung gusto ng bata na puntahan namin ang school na ito?
"I think we need to go to this school. I have this feeling na may makukuha tayong clue sa school na ito para mahanap na natin ang dalawang taong tinutukoy ng bata."
Tiningnan ulit ni Teo ang sling pero agad din siyang nag-angat ng tingin sa akin.
"I guess you're right. Puntahan natin ito." Napangiti ako sa sinabi niya.
Noong sinabi ni Gelou na baka kami nga ni Teo ang tinutukoy ng bata ay inaamin kong natakot ako pero nakaramdam pa rin ako ng pag-asa na matatapos na ang swap namin. Pero nang hindi pa rin kami nakabalik kahit na sinabi na namin na mahal namin ang isa't-isa ay doon na ako napanghinaan ng loob.
One thing is for sure, hindi kami ang tinutukoy ng bata na dalawang taong nabago dahil sa kanya. Pero sino ba talaga sila? We don't know anything para magamit sa paghahanap sa kanila. Kaya mas magiging mahirap ito para sa amin.
Tiningnan ko ulit ang sling. Newman Academy? Ano kaya ang nasa school na ito? Doon ba namin sila mahahanap? Sana ay may makuha nga kami sa pagpunta sa school na ito dahil ayaw kong maghintay lang sa wala. Kung hindi kami gagawa ni Teo ng move para mahanap ang dalawang taong yun ay tiyak na walang mangyayari sa amin, we will stay in this swap for sure.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasíaTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...