Chapter 43: Bracelet

409 17 4
                                    

Ilang araw nang hindi pumapasok si Jairus. Simula nang umuwi kami galing sa kasal ng ate ni Gabby ay hindi na namin siya ulit nakita. Ang sabi sa amin ni Gabby ay may sakit pa rin ito kaya hindi pa pumapasok.

Simula nang mangyari ang lahat ng yun sa resort ay napapansin ko rin ang paggaan ng mga bagay-bagay sa aming lahat. Gelou's smiling more than the past days. Nakatulong din ata dito ang nangyari kay Jairus sa resort, hindi na kasi siya agad naggalit lalo na kapag naririnig niya ang pangalan ni Jai.

I am hoping na maayos na talaga ang lahat sa amin, ayaw kong habang buhay nalang kaming magtanim ng galit sa kanya. Hindi kami makakamove-on kung lagi nalang kaming kumakapit sa nakaraan.

***

("Help!") Napabangon ako when I heard Gelou's voice sa kabilang linya.

"W-what happened?" Kinakabahan kong tanong. Umayos ako ng tayo at tiningnan ang alarm clock sa gilid.

Anong problema niya nang ganito kaaga? May nangyari bang masama sa kanya?

"Hello Gelou! Anong nangyayari sayo? Sagutin mo ako! Gelou!!" Natatarantang tanong ko.

She started to cry kaya mas kinabahan pa ako.

("Rhaeca... tulungan mo ako!") She plead.

"Ano nga ang nangyayari sayo? Gelou naman eh! Tinatakot mo ako!"

She started to breathe calmly at huminto na siya sa pag-iyak.

("Si daddy kasi... nagset-up ng blind date para sa akin! Rhaeca, please help me! Ayaw kong pumunta sa blind date na yun.") Napahinga ako nang malalim nang marinig yun sa kanya. Akala ko may nangyari na sa kanyang masama.

Napaupo ako at saka kalmado siyang kinausap.

"Hai naku Gelou. Akala ko may masama nang nangyari sayo, tinakot mo ako." Rinig ko mula sa kabilang linya ang mahina niyang paghikbi kaya wala akong magawa kung 'di ang mapabuntong hininga nalang. "Okay ka lang?" Tanong ko.

She started to cry again pero hindi na tulad kanina na parang batang inaway ng kalaro niya.

("I'm not okay. Ayaw kong pumunta sa blind date na yun! Help me Rhaeca!")

Napabuntong hininga ako ulit. Ang aga-aga pa pero stressed na ako. Gelou, why are you doing this to me?

"Okay! Okay! How can I help you?"

("Really! Tutulungan mo ako?") I can hear how her voice lightens. Kahit na hindi niya ako nakikita ay tumango at napangiti pa rin ako. Natatawa ako sa reaksyon ni Gelou pero masaya ako na napagaan ko ang loob niya.

Bakit kaya nagset-up ng blind date si tito para kay Gelou? Alam kong sineset-up niya si kuya Phil pero hindi ko inaasahang pati si Gelou ay iseset-up niya.

"Yeah! Ano bang gagawin ko?"

("Kailangan kong pumunta sa isang restaurant mamayang 12 pm, I just need you to show up with me at magpanggap bilang boyfriend ko.") Natigilan ako dahil sa sinabi niya.

"Te-teka! Magpapanggap ako bilang boyfriend mo?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

("I have no choice. I need a boyfriend para istop ni daddy ang mga tulad nito. Simula nang iset-up niya si kuya sa isang blind date ay nagtuloy-tuloy na. I can see kuya's irritation every time na kailangan niyang imeet ang mga babaeng hindi naman niya kilala. Ayaw ko nang ganoon Rhaec, so please help me!")

I heave a deep sigh! Hindi ko alam kung kaya ko ba yung gawin, and one more thing─kailangan kong magpaalam muna kay Teo.

"I need to ask Teo first." Siya naman ngayon ang napabuntong hininga, and she started to cry again.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon