RHAECA
Halos mamilog ang mga mata ko nang makita ko ang mga pagkaing inilapag ng waiter sa harapan namin ni Gabby.
“Ang dami nito,” manghang saad ko saka inilibot ang tingin sa bawat putahing nasa table. “At mukhang masarap pa!”
Mabilis akong kumuha ng isang pirasong barbeque at agad ko itong kinagatan. The yummy taste immediately envelope every corner of my mouth.
“Well, kainin natin itong lahat,” natatawa namang sabi ni Gabby at tulad ko ay nagsimula na rin siyang kumain.
“Oo naman, kakain talaga ako. Lulubus-lubusin ko na ang pagkakataon na nag-swap kami ni Teo. Hindi ko aalahanin ang figure ko.”
Kumuha naman ako ng inihaw na isda at pritong manok saka ito inilagay sa plato ko.
“Naku! Huwag ka munang magpataba. May pageant pa tayo next week.” Napahinto ako sa pagkain at tiningnan si Gabby. Hindi ko maiwasang manlumo dahil sa sinabi niya.
“Naman eh! Panira ka naman ng moment,” nakasimangot ko pang sabi. Napatawa ulit si Gabby at inabutan ako ng kanin.
“Hindi ko naman sinabing huwag kang kumain. Huwag ka lang magpapataba, ayaw naming matalo kayo ni Teo sa pageant kaya ganoon,” seryosong sabi niya na napakamot pa sa batok niya.
“Oo na. Kahit na pagbawalan mo ako, kakain at kakain pa rin naman ako.” Sumubo na ulit ako at hindi ko na pinansin si Gabby. Kumain lang ako nang kumain kahit na Panay ang pagsilip ni Gabby sa akin.
Napadighay pa ako pagkatapos maubos ang pagkain sa plato ko. It is the first time na nabusog ako nang ganito. Noon kasi ay ang konte lang talaga ng kain ko, natatakot talaga kasi akong tumaba. Naninibago ako, pero masaya ako dahil isa itong malaking achievement para sa akin.
"Tara na?" aya niya matapos naming kumain.
Napatingin ako sa kanya at tinanguan ko siya. Mabilis akong tumayo sa inuupuan ko at gayon din naman siya. Lumabas na kami ng restaurant at tahimik naming tinungo ang pinagtatambayan ng mga kasama namin, doon nalang namin hihintayin sina Teo. Doon na rin kami tatambay para hindi din kami ma-bored, nandoon kasi ang lahat.
Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami nang masayang kantahan ng mga lalakeng kasama namin sa pageant. Pinangungunahan ito ni CJ na siya ring tumutugtog sa gitara. Nang lumapit kami sa kanila ay mabilis silang napahinto sa pagkanta at napatingin sa amin.
"Pre!" bati ni Chris na tinanguan pa kami. Sinenyasan niya kaming maupo sa bakanteng upuan sa gilid ni Josh na agad din naman naming ginawa ni Gabby. Nang makaupo na kami ay nagpatuloy na sila sa pagkanta.
“🎶~I’m only one call away
I’ll be there to save the day
Superman got no-thing on me-hey
I’m only one call away ~🎶” panimula ni CJ. Sa sumunod na line ng song ay sumabay na ang iba kaya nakikanta na rin kami ni Gabby.“🎶~Call me, baby, if you need a friend
I just wanna give you love
C’mon, c’mon, c’monReaching out to you, so take a chance
No matter where you go
You know you’re not alone
I’m only one call awayI’ll be there to save the day
Superman got no-thing on me-hey
I’m only one call awayCome along with me and don’t be scared
I just wanna set you free
C’mon, c’mon, c’mon
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...