CHAPTER 12: Ang Lamig

635 29 1
                                    

Kanina pa nagri-ring ang alarm clock ko pero wala akong ganang bumangon. Ang sama kasi ng pakiramdam ko at mabigat ang katawan ko. May lagnat ata ako.

Napatingin ako sa may pinto nang may kumatok dito. “Pasok,” nanghihina kong sabi. Nagbukas naman ang pinto at sumilip sa akin ang kumatok.

“Kuya, hindi ka ba papasok?” Si Trixie pala.

“Masama ang pakiramdam ko. Hindi nalang muna siguro ako papasok,” sagot ko at agad akong nagtalukbong ng kumot.

Ang lamig!

“Tatawagin ko muna si mommy kuya.”

“Hmm...” tanging naisagot ko at ipinikit ko na ulit ang mga mata ko. Gusto ko pa talagang matulog, ang sakit ng ulo ko.

Mayamaya lang ay bumukas ulit ang pinto. Hindi ko alam kung sino ang pumasok dahil hindi na ako nag-abalang tingnan ito.

“Anak...may sakit ka daw?” Inalis ni tita ang kumot ko na nakabalot sa katawan ko at hinawakan niya ang noo ko. “Ang taas ng lagnat mo. Ano ba ang ginawa mo at nagkasakit ka?”

Ano bang ginawa ko? Nagpaulan lang naman ako kagabi. Hindi ko naman sinasadya iyon kaso naabutan ako ng ulan sa daan.

Dahil sa sinabi ni Teo na maghintay ako sa sagot niya ay hindi talaga ako napakali. Excited kasi ako masyado sa debut ni Arcel, tapos may possibility pa na hindi ako makapunta kaya pinuntahan ko si Teo sa bahay namin para kumbinsihin siya. Kaso nga lang ay inabutan na ako ng ulan. Wala pa naman akong payong na dala kaya basang-basa akong umuwi dito kagabi. Mabuti nalang talaga at tulog na sila pagbalik ko kaya hindi ako napagalitan. And the worst thing, hindi ko pa nakausap si Teo. Pahamak kasi iyong ulan eh hindi na ako natuloy papunta sa bahay.

“Huwag ka nalang munang pumasok. Magpapasabi nalang ako sa mga teacher mo na aabsent ka. Dito ka lang, kukuha lang ako ng gamot.” Lumabas na si tita at naiwan si Trixie.

“Kuya, pahinga ka muna...dadalhan kita ng fruits pag-uwi ko.” Nginitian ko lang si Trixie at lumabas na siya. Nagtalukbong nalang ako ulit dahil nilalamig talaga ako.

•••

GELOU

Kanina pa nagsimula ang klase namin and busy na kami sa pakikinig sa teacher namin. Pero may napapansin akong isa diyan na hindi nakikinig, panay ang tingin sa likuran o di kaya ay sa may pinto. Mukhang may hinahanap ata.

“Class dismiss.” Napatayo agad ako pagkalabas ng teacher namin. Nilapitan ko si Rhaeca na kanina pa aligaga sa inuupuan niya.

“Miss someone?” tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin kaya nginitian ko siya. “Wala yung partner mo. Nasaan ba?” pagpapatuloy ko.

“Sinong tinutukoy mo?”

Nagmamaang-maangan pa talaga ang isang ’to, halata namang hinahanap niya si Teo. Absent kasi ngayon si Teo. Ewan ko lang kung bakit.

“Si Teo,” sagot ko. Obvious naman ang sagot eh, tinatanong pa talaga niya.

Tiningnan lang niya ako nang seryoso. Nakakapanibago na talaga siya, expressionless lagi. Si Rhaeca pa ba ’to?

“Itext mo nalang kaya yun, baka naghahanda lang yun para sa birthday ng pinsan mo kaya umabsent. Narinig ko pa naman sila kahapon ni Gabby na nag-uusap tungkol sa debut ni Arcel. Siya pala ang escort ng pinsan mo?” Pinipigil ko na talaga ang ngiti ko. Jino-joke ko lang naman si Rhaeca, and mukhang naniwala talaga siya. Ang sama na nga ng itsura niya, parang naiinis.

“Narinig mo?”

“Oo.”

Totoo namang narinig ko si Teo at Gabby kahapon, pero hindi naman lahat ng sinabi ko ay napag-usapan nga nila. Dinagdagan ko lang tulad nalang ng escort thingy. Masama ba ang ginawa ko? Sorry naman? Nakakatawa lang kasi si Rhaeca na asarin, mukhang nagseselos na ewan.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon