Hindi naman kami nagtagal ni Teo sa tabing dagat. Kumain lang kami ng hinanda niyang dinner at nagkwentuhan. Bumalik din kami agad sa party dahil pinatawag kami ni ma'am Felma.
Nakita ko rin sina Kring na nakikipag-usap sa iba pang bisita ni Jairus. I tried to approach her, pero mukhang umiiwas siya.
Pati si Jairus ay hindi na ulit kami nilapitan. Sumama na lang ako kina Gelou at Gabby na nagkakantahan sa gilid.
"That was really fun." Masayang sabi ni Lulu pagbalik namin sa kwarto.
It's nearly 2 in the morning nang matapos ang party at pagod na pagod ang lahat.
Agad siyang nahiga sa kama nila ni Kim at agad na natulog. Nag-ayos muna kami nina Gelou at Kim bago natulog. Hindi masarap matulog kung amoy pawis ako.
Ako ang huling nahiga. Nang tumabi ako kay Gelou ay babad siya sa cellphone niya at mukhang may katext.
"Busy ah." Nakangiti kong sabi. Nilingon ko sina Kim at Lulu na nasa kabilang bed. Pareho silang mahimbing nang natutulog.
"Si Gabby." Sambit niya. Nilingon ko agad siya.
"Magkatext kayo?" Di ako makapaniwala sa narinig ko.
Nagtetext talaga silang dalawa? Hala! Improving.
Tumango lang siya. Ibinaba na niya ang phone niya at napaharap sa akin. Ngumiti siya.
"Natutuwa ako na okay na talaga tayo. Wala na akong kinikimkim." Ngumiti ako at niyakap ko siya.
"Thank you Gel." Sabi ko. Bumitaw siya sa pagkakayakap ko at hinarap ako.
"Salamat din."
Nagtawanan kami at 'di katagalan ay natulog na rin.
***
Napamulat ako ng mata. Ang ganda ng feeling ko ngayon, magiging masaya ang pag-uwi namin... tiyak!
Pagbukas ng mata ko, napako ang tingin ko sa kisame. Kumunot ang noo ko nang marealize ko ang nakikita ko.
Bakit kulay brown ang kisame?
Pumikit ulit ako at nagdilat.
"No." Nasambit ko nang hindi nagbago ang kulay nito. Nilingon ko ang kabilang kama at ang mukha ni Kian ang nakita ko.
Napabalikwas ako ng bangon.
"No." Pag-uulit ko. Napailing pa ako nang makita ko ang kabuuan ng kwarto.
Hindi na ako nakahiga sa tabi ni Gelou. Double deck bed na itong hinihigaan ko ngayon. Bumaba ako at nilapitan ko agad si Gabby na nasa baba lang.
"Gabby." Tawag ko sa kanya. Mangiyak-ngiyak na rin ako ngayon. Niyugyog ko pa siya para magising na siya.
"Hmm..." Tanging sabi niya lang, pero hindi pa rin siya nagmumulat ng mata.
"Gabby." Desperate kong tawag sa kanya. Nagmulat na siya at tiningnan ako pero natulog ulit siya.
"Bakit ba Teo? Inaantok pa ako." Sabi niya na halatang inaantok pa nga.
"I'm not Teo." Bulong ko. Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mata at tiningnan ako.
"Ha?" Kunot noong tanong niya.
"Gabby." Mangiyak-ngiyak kong sabi. Napabangon agad siya at tiningnan ako.
Nanlaki pa ang mata niya nang tuluyan na niyang naintindihan ang gusto kong iparating.
"Di nga." Di niya makapaniwalang sabi.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...