CHAPTER 23: Gabby's Little Secret

597 22 0
                                    

RHAECA

Matapos sabihin ni Gelou sa akin na kilala pala ni Gabby si Fritz ay bumukas agad ang gate ng bahay nila at lumabas si kuya Phil. Hindi tuloy naikwento sa akin ni Gelou ang buong istorya kung paano niya nalaman na kilala pala ni Gabby si Fritz.

Umuwi nalang ako dahil gabi na rin. Nang makarating ako sa bahay nila Teo ay pinagbuksan ako ng gate ni kuya Rommel na guard nila.

Gabi na pala talaga. Hindi ko na napansin ang oras dahil naenjoy ko pa ang company ni Gelou. Para bang si Rhaeca ulit ako dahil sa mga nangyari kanina.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at pagbukas ko ng pinto ay sinalubong agad ako nina tito at tita.

"Teo," bungad sa akin ni tito Tino na agad pa akong nilapitan.

"Dad?" Bakit gising pa sila?

"Saan ka ba nagpunta anak?" nag-aalalang tanong ni tita. Hindi ko naiwasang maikunot ang aking noo dahil sa pagtataka.

"Po? Uhm...kina Gabby po, nagplano kasi kami para sa pageant namin." Hinintay ba nila ako?

"Bakit hindi ka man lang nagtext? We were so worried. Teo naman!" Hinawakan ni tita ang mga braso ko at saka ako niyakap. Si tito naman ay mabilis na napabalik sa pag-upo at saka nasapo ang noo niya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib at guilt na hindi ko inaasahang mararamdaman ko. I feel guilty dahil pinag-alala ko ang parents ni Teo.

"M-Mom, sorry po. I was too occupied kaya nakalimutan ko ng magtext."

Napabuntong hininga si tita pero nginitian niya pa rin ako. "Kumain ka na ba?" tanong niya na naging dahilan para mapangiti ako.

"Kumain na po ako." Ang sweet ng mommy ni Teo.

"Okay." Binitiwan na ni tita ang hawak niya sa akin at nilapitan si tito. "Aakyat na kami. Kanina pa tulog ang mga kapatid mo kaya matulog ka na rin."

"Opo. Goodnight mom, dad!"

Tumayo na si tito at naglakad na nga sila ni tita papunta sa kwarto nila. Bago umakyat ng kwarto ay sinigurado ko munang nakasara nang mabuti ang pinto. Nang okay na ang lahat ay tuluyan na akong umakyat sa kwarto.

Pagkapasok ko ay agad kong inilapag sa table ang bag na dala ko at saka ako pumasok sa banyo. Mabilisan akong nagshower para makatulog din ako agad. Masyado akong napagod sa mga pinanggagawa namin ngayong araw kaya nga't puyat ako.

Pinapatuyo ko na ang buhok ko nang bigla nalang tumunog ang phone ni Teo. Ibinaba ko muna ang hawak kong towel at saka tiningnan iyon.

Natigilan pa ako nang makitang 11:27 na ng gabi. Sino kaya ang nagtext sa akin nang ganitong oras?

Kahit na nagtataka ay binasa ko nalang ang message na natanggap ko.

From: 09102034***

Hindi nakaphonebook ang number ah. Sino naman kaya ito?

From: 09102034***
Hi Rhaeca! Si Gelou ito. Hiningi ko kay Teo ang # niya para matext ka. Sorry kung hindi ko na naituloy yung pagkekwento ko kanina. Bukas ko nalang sasabihin sayo ang lahat, inaantok na kasi ako. Good night Rhaeca...I mean TEO. Haha! Nalilito na ako. See you nalang sa school bukas. 😊

Napangiti ako. Agad rin naman akong nag-type ng reply sa kanya. Pero bago iyon ay ni-phonebook ko muna ang number niya.

To: Gelou
Good night din Gel. See you tomorrow! 😁

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon