CHAPTER 21: Convincing The Galou

502 21 0
                                    

"Nakadrugs ba kayo?" Ang tanong na nagpagimbal sa buong sistema ko. Ang bilis nang pintig ng puso ko at ang dami nang pumapasok sa isipan ko. Nag-iisip na agad ako ng maari kong sabihin sa dalawa para lang makalusot kami kung sakali.

Nilingon ko ulit sina Gabby at Gelou na nakatingin pa rin sa amin ngayon. Naisuklay ko pa nga ang kamay ko sa aking buhok at saka ako napayuko. Nablanko muli ang isipan ko.

Ang tanga-tanga ko kasi eh! Bakit ba hindi ako nag-iingat sa mga pinagsasabi ko? Iyan tuloy, narinig na nila ang sekreto namin ni Teo.

My heart is beating so fast nang tingnan ko sila. Ano ba kasi ang pumasok sa utak ko at sinabi ko ang mga iyon even when they are here? Siguro dahil na rin sa pagkataranta ko sa nangyari kay Teo kanina kaya nagpadalos-dalos na ako. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos kaya kahit ano nalang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko naman kasi inaasahan na aatakihin siya ng allergies ko.

Yes, I have that allergy...the allergies for something spicy. Pero matagal na naman nang huli akong nagkaroon noon. Kaya siguro hindi na ako inatake no'n ay dahil umiiwas na naman ako sa mga spicy foods. Ang ikinagulat ko lang ay kung bakit inatake si Teo ng allergy ko kahit na nagka-swap na kami?

Naguguluhan talaga ako. Hindi pumasok sa isipan ko na pati ang mga ganito ay mararanasan niya rin. And now, ano na ang gagawin namin? They heard everything and I'm sure that they have questions in mind. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila para i-discredit ang mga pinagsasabi ko kanina.

Nilingon ko si Teo na tahimik na nakaupo sa tabi ko. He's fine now pero alam kong medyo nanghihina pa siya. Nakatingin lang siya kina Gabby at ang kalmado pa ng kanyang mukha. Hindi niya ba pinoproblema ang mga nangyayari ngayon? Narinig lahat nina Gabby ang sinabi ko at wala lang ito sa kanya? Bilib na talaga ako kay Teo, siya na talaga ang dakilang dedma.

Kung wala lang talagang nangyari sa kanya kanina ay kanina ko pa siya sinapak. Nakakainis kasi ang pagiging dedma niya sa mga bagay-bagay, lalo na ngayon. Ako, heto at namromroblema na pero siya-wala lang. Nakakainis kaya iyon. Akala ko ba magkasangga kami ngayon?

Ibinalik ko ang tingin ko kina Gabby. Nakatingin lang sila sa amin habang nakakunot ang mga noo. Hinihintay nilang magsalita kami at magpaliwanag sa kanila tungkol sa mga narinig nila mula sa akin.

Napabuntong hininga ako.

Kailangan ko nga talagang mag-explain sa kanila. Pero paano ba ako magpapaliwanag sa dalawa? Oh well! Bahala na si batman. Kung ano mang lumabas sa bibig ko ay yun na yun.

"Guys..." panimula ko, kaso pinutol agad ako ni Teo sa sasabihin ko sana. Hinawakan ni Teo ang braso ko kaya galit ko siyang tiningnan.

"Ano?" inis kong tanong sa kanya. Kanina ay wala siyang pakealam, parang hindi nga siya nagulat sa naging reaksyon nina Gelou pero ngayon...heto siya at sasabat.

Teo! Teo! Teo! What is the matter with you? Mas kinakabahan tuloy ako dahil sayo eh.

Tiningnan ko siya nang masama dahil sa ginawa niya. Wala akong pakealam kung magalit man siya sa akin. May mas malaki kaming problema sa harapan namin kaya wala na akong pakealam sa magiging reaksyon niya.

Napangiwi siya pero hindi pa rin siya nagpatinag sa mga titig ko.

"Tell them," seryoso niyang sabi. Naikunot ko tuloy ang aking noo.

Teka! Nabingi ata ako eh. Sinabi niya bang 'Tell them'?

Ibinalik ko naman agad ang tingin ko kina Gelou at Gabby ngunit hindi ko napigilang tingnan ulit si Teo.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon