CHAPTER 4: Kilalanin Mo Ako

912 37 0
                                    

Nang makabalik kami sa aming kwarto ay nagpahinga na agad ako. Tinulog ko nalang ang nararamdaman ko ngayon; yung takot, pagkalito, pangamba, at pag-alala para sa amin ni Teo. Pero hindi pa rin ako mapalagay, mas natatakot at nag-aalala ako ngayon para sa batang kasama namin sa aksidente. Nasaan ba siya? Ba’t bigla nalang siyang nawala?

Nagising ako dahil sa ingay ng mga taong nasa kwarto ko. I slowly opened my eyes at napatingin ako sa buong kwarto. Nakita ko agad ang mama ni Teo na nakaupo sa may paanan ko. Diretso ang tingin sa akin at nakangiti pa.

“Teo, ok ka na ba anak?” kalmadong tanong niya sa akin. Tinanguan ko siya at sabay na nginitian bilang sagot sa tanong niya. She smiled widely at mabilis siyang napatayo at napalipat sa gilid ko. “Kumain ka na anak. Ipinagluto kita ng paborito mong ulam,” aniya. Pagkarinig ko palang ng salitang ulam ay nakaramdam agad ako ng paghilab sa aking tiyan. Sa sobrang gutom ay napaupo agad ako.

“Nasaan po? Pwede na po ba akong kumain?” Napangiti ang mama ni Teo dahil sa ipinapakita kong excitement.

“Oo naman,” tumango siya at saka napalingon sa binatang nasa kanyang likuran. “Tristan!” tawag niya rito at agad naman itong napalapit sa kanya na dala-dala na ang isang paper bag. Tristan ata ang pangalan niya dahil lumapit ito nang tawagin ng mama ni Teo si Tristan.

Binuksan ni tita ang bag na inabot sa kanya no’ng Tristan at inilabas mula rito ang mga plastic containers na naglalaman ng pagkain. She opened the containers at inabot ito sa akin. Tiningnan ko ang pagkain sa loob at nagsimula na akong sumubo. Nginuya ko ang pagkain at ninamnam ito kaso— nailuwa ko din ito pagkatapos.

“Anak, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ng mama niya sa akin.

“An-anhan...” Hindi ko na maayos na nasabi ang salitang anghang na gusto kong sabihin. Para na kasing nasusunog ang dila ko dahil sa sobrang anghang.

Mabilis akong napatayo mula sa inuupuan ko at nagdirediretso ako sa banyo kung saan ko inuluwa ang lahat ng laman ng bibig ko. Napansin ko naman ang pagsunod nila sa akin.

“Teo, okay ka lang ba?” tanong ulit ni tita sa akin at hinagod niya pa ang likod ko. Patuloy kong isinuka ang nakain ko. Nang matapos ako ay agad akong nagpunas ng bibig and I flushed the toilet. Nilingon ko sila pagkatapos.

“Okay lang po ako,” sabi ko pero hindi pa rin naalis sa mukha ng mama ni Teo ang pag-aalala.

“May masakit ba sayo?” tanong niya na hinawakan pa ako sa magkabilang braso. Umiling ako.

“Wala po. Maanghang lang yung pagkain,” medyo nahihiya kong sabi. Sumilay naman agad sa mukha nila ang pagkagulat at pagtataka.

“Ha?” I heard them said at saka nagkatinginan silang lahat sa isa’t-isa. Ako naman ngayon ang nagtaka. What’s with the look? Did I said something wrong? Nilingon ako ni tita kaya seryoso akong napatingin sa kanya.

“Pero, paborito mo yun diba? Mahilig ka sa mga maaanghang na pagkain.”

“Po? Naku, hin—” Natigilan ako. Teka!

I frowned secretly. Bakit hindi ko ba iyon naisip? Hindi ako ang mahilig sa maanghang, it’s Teo! Nag-angat ako ng tingin sa kanila and I smiled awkwardly.

“Uhm... hindi ko po gusto ito ngayon eh. Parang ayaw ko munang kumain ng maanghang,” mabilis kong pagpapalusot. Tinapunan naman nila ako ng mapanuring tingin pero napatango din naman sila.

“Ganoon ba? Gusto mo bang ibili ka nalang namin ng ibang makakain.” Napangiti ako sa narinig ko.

“Okay lang po ba?” His mom smiled again at saka tumango.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon