It’s been days nang patuloy pa rin akong binabantayan ni Jairus. Kahit paulit-ulit akong magreklamo kay mommy ay hindi talaga nito tinitigil ang utos niyang pabantayan ako. Kahit na si daddy ay wala ring magawa dahil sa oras na sasabihin niya ito kay mom ay nag-aaway na agad sila. The house is really in chaos dahil sa nangyayari. Nakikita ko pang umiiyak si Aila kaya hindi nalang ako nangungulit kay mommy para hindi na umiyak ang kapatid ko.
Kahit na nakabantay si Jairus sa akin ay patuloy pa rin ang communication namin ni Teo sa isa’t-isa. Lagi kaming nagkikita ni Gelou sa comfort room kung saan nagpapalitan kami lagi ng sulat. Mukhang hindi naman din ito napapansin ni Jairus na labis kong ikinatutuwa.
Bago magsimula ang last subject namin sa araw na ito ay may bigla ipinaalam si Jairus sa akin.
“I have an appointment mamaya sa office ni dad. Maaari ba muna tayong dumaan doon bago kita ihatid sa inyo?” aniya dahilan para maikunot ko ang aking noo. Napabuntong hininga ako at saka tumango nalang. May magagawa pa ba ako?
Napangiti naman ito at tumango-tango pa. Napailing-iling nalang ako habang pigil ang tawa. Nakakatawa kasi siyang tingnan.
Bago kami umalis ay nilingon ko pa si Teo at pasimple akong nagpaalam sa kanya. Nakita naman niya ito at nginitian ako, hindi ko rin tuloy mapigilang mapangiti nang todo. We are like high school kids na may secret relationship at kinikilig na sa mga ganitong kasimpleng gestures. But well, para nga kaming may secret relationship. It is like a forbidden love dahil may alitan ang mga magulang namin.
“Bye Teo,” I mouthed bago kami tuluyang lumabas ng classroom.
Mabilis lang naman ang naging byahe namin ni Jairus. Marami nang sasakyan sa daan lalo na’t hapon na pero mabilis naman ang usad ng mga ito at hindi bumigat ang daloy ng traffic.
Nang huminto kami sa tapat ng building ng kompanya nila ay sinalubong agad kami ng isang lalake na sa tingin ko ay isa sa pinagkakatiwalang empleyado ni tito Kenly.
“Good afternoon Mr. Stevenson,” bati nito kay Jairus nang bumaba ito.
Umikot si Jairus sa pwesto ko at pinagbuksan ako ng pinto. Nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha ng lalakeng sumalubong sa amin nang makita niya akong bumaba. Nagtaka naman ako sa reaksyon niyang ito kaya bahagya kong naikunot ang aking noo.
“Good afternoon Ms. Favila,” ani nito kaya tinanguan ko siya.
Ibinigay ni Jairus sa kanya ang susi at giniya na ako papasok ng kompanya. Umakyat kami sa 17th floor ng company kung saan gaganapin daw ang meeting ika ni Jairus.
Habang naglalakad kami ay panay ang bati ng mga empleyado sa amin. My dad is one of the board member of the company kaya kilala ito sa kompanya, pero hindi ko inaasahang makikilala din nila ako.
Noong bata pa kami ay madalas kaming pumunta dito. Magkakasama kami noon nina Gelou, Fritz, and Kring na pumupunta dito at lagi kaming naglalaro sa isa sa meeting room nila dito. Going back here reminds me of our old memories kung saan bata pa kami at wala pang pinoproblema sa buhay.
“Dito ka na muna maghintay. Susubukan kong makalabas agad sa meeting para maihatid na kita,” sabi ni Jairus nang buksan niya ang isang opisina. Pumasok siya kaya sumunod ako.
“Kaninong office ba ito?” naitanong ko habang nililibot ang tingin sa buong kwarto. May kalakihan rin ito at kompletong-kompleto talaga sa gamit.
“It’s my office,” aniya kaya napalingon ako sa kanya. May opisina na agad siya? Oh well, siya naman talaga ang tagapagmana ng kompanyang ito. Kapag grumadruate na siya ay dito agad siya magtatrabaho.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...