Nagising ako nang may marinig akong umubo sa aking kwarto. Diyos ko! May multo ata!
Napatalukbong agad ako sa ilalim ng kumot ko at saka pinakiramdaman ang paligid. I’m really afraid at nanginginig na ako sa takot. Ano ba yun? Oh lord, tulungan niyo po ako. Huwag po sana nila akong saktan.
I was really shaking because of fear when suddenly I heard a woman’s laugh. Natigilan ako and I literally froze because of that. Naku! Pinagtatawanan ako ng multo.
“Huwag na po! Tama na!” I begged at ipinikit ko ang aking mga mata, hoping na wala akong makitang nakakatakot.
“Anong tama na?” Natigil ako sa panginginig at saka mabilis na napaupo. Itinuon ko ang aking tingin sa harapan and saka tinitigan ang pigurang kita ko.
“HOY TEO!” sigaw ko. Walanghiya! Tinakot niya ako.
“O, anong ginawa ko sayo?” natatawang sabi niya na mas nagpainit ng ulo ko. I gritted my teeth at sinamaan siya ng tingin.
“Tinakot mo ako! Ang creepy pa naman dito sa hospital,” reklamo ko. My heart is still beating so fast dahil sa kaba kaya ilang beses kong nilaliman ang aking paghinga.
“Matatakutin ka ba?” aniya. Bigla siyang naging seryoso at mabilis na nawala ang kaninang masiglang atmosphere sa pagitan naming dalawa.
“Uhm... oo,” kalmado kong sagot sa kanya. “Takot ako sa mga insekto, and anything scary, like horror movies,” dagdag ko. Napatango siya at seryoso lang akong napatingin sa kanya. Teka nga! Napatingin ako sa wall clock sa gilid and I was surprised to see na madaling araw pa pala. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at tinanong siya.
“Ba’t ka ba nandito?” Sandali siyang napatingin sa akin at agad din namang nag-iwas ng tingin.
“Wala lang...” aniya. Nagtaas ako ng kilay dahil hindi ako kombinsido sa sagot niya. Wala lang? Anong sagot iyon? And si papa? Iniwan niya si papa sa kwarto? Paano kung magising yun at hanapin ako—ay este si Teo?
“Hoy Teo! Iniwan mo si papa?”
“Umalis na siya!” walang gana niyang sagot.
“Umalis? Iniwan ka niya?”
Ginawa ni papa iyon? Iniwan niya ako? Huhu! Bakit? Alam naman ni papa na matatakutin ako.
“Pinauwi ko na lang siya. Kawawa naman, wala siyang matulugan sa kwarto ko. Hindi ka ba naaawa sa papa mo?” napanganga ako sa sinabi niya.
“Hindi na—hindi sa—basta!” Wala akong masagot sa sinabi niya. Parang nagmukha akong selfish eh.
“Mag-usap nalang tayo!” aniya kaya naitaas ko ang aking mga kilay. Eh ano bang ginagawa namin ngayon? Diba nag-uusap kami? Napailing ako. Hay naku!
“Ano naman?” sabi ko. Hindi ko na sinabi ang nasa isip ko dahil baka magalit na naman siya.
“Kilalanin natin ang isa’t isa,” aniya. Okay! Since makakatulong naman din iyon sa amin ngayon. Knowing each other will help us act more properly.
“Go!” sang-ayon ko.
“Since ganito tayo ngayon, the only thing we can do ay ang magpanggap, maliban nalang kung gusto mong umamin nalang tayo sa mga magulang natin na nagkapalit tayo ng katawan.”
“Umamin nalang tayo!” It's better to tell them right para hindi na kami mahirapan. “Baka maging—”
“Kaya mo?” he cut me off. “Baka i-mental pa nila tayo.” I-mental?
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...