TEO
Nakakunot noo akong nagsulat sa papel na nasa harapan ko. I really want to focus on writing my essay na kailangan kong ipasa bukas pero hindi ko talaga magawa. Ilang beses na nga akong nagkamali dahil sa hindi ako makapagfocus nang maayos. My mind is occupied with the thought about Rhaeca.
It’s been a week nang may napansin akong kakaiba kay Rhaeca. Una ko itong napansin noong tumawag ako para itanong sa kanya ang tungkol sa book report na kailangan naming isubmit. Sinasagot naman niya ang mga tanong ko pero pansin ko ang matamlay niyang boses. The next day nang nasa school kami ay matamlay din ulit siya. She hardly talks at parang lutang pa. Halos isang linggo na rin siyang ganito at nang tinanong ko siya kung ok lang ba siya ay sinabi naman niyang ok lang siya. I want to believe in what she said but I just can’t, I know something is really bothering her.
I click the print button nang matapos ko nang iencode ang essay ko. I just need to give it to Rhaeca para masubmitt niya ito at ang gawa naman niya ang isa-submitt ko.
Nang mailagay ko na ito nang maayos sa bag ko ay lumabas na ako ng kwarto. Nagdirediretso ako sa baba kung saan ko naabutan si Aila na mukhang may hinahanap. Nilapitan ko siya at saka ko sinilip ang hinahalungkay niya.
“Ai! Anong hinahanap mo?” Nag-angat ng tingin sa akin si Aila at saka siya napangiwi.
“Uhm... kailangan ko pong makahanap ng old pictures natin. I’ll be using it for my project,” makasimangot nitong sabi. Sandali ko siyang tiningnan until I decided na tulungan nalang siya sa paghahanap.
Kasalukuyan niyang tinitingnan ang mga photo album na nakatago dito sa cabinet sa sala. Bawat litrato ay kanyang tinitingnan to check if old picture ba ito. Kahit na hindi ko alam kung para saan ito ay tinulungan ko pa rin siya. I need to find some distraction para hindi gaanong isipin si Rhaeca.
“So? Ok na?” I asked after a while. Tiningnan ko ang mga pictures na kinuha ni Aila. May iilan na rin siyang litratong kinuha kaya sa tingin ko ay ok na rin ito.
“I have our baby pictures. Meroon na din akong wedding picture nina mama at papa. But—” Napatingin siya sa akin at kita ko ang pagkunot ng noo niya. Ibinalik niya ang kanyang tingin sa mga litrato at saka napabuntong hininga. “I still need mom and dad’s old pictures. The time na nasa 20’s or early 30’s pa sila.”
Sandali pa akong nag-isip sa pwedeng paggamitan niya ng mga pictures na ito. Pero nang wala naman akong naisip ay nagtanong na ako sa kanya. “Ano bang gagawin mo sa mga ito?”
“Oh! It’s for my autobiography ate!” aniya. Inayos niya ang mga album na kinuha niya sa cabinet at ibinalik na ito. Walang imik siyang tumalikod sa akin at naglakad paakyat ng kwarto niya. Sinundan ko nalang siya ng tingin.
I heave a deep breath nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
“Ano bang problema ng magkapatid na ito?” bulong ko sa sarili ko.
Tinungo ko ang kitchen para kumuha ng maiinom dahil bigla akong nakaramdam ng uhaw. I was about to enter the room nang may mapansin ako. It’s the next room to the kitchen.
“Manang?” Nilapitan ko si manang na mukhang nahihirapan sa dala niyang box. Agad ko siyang tinulungan. “Bakit po kayo ang may dala nito? Tinawag niyo nalang po sana si kuya Badong para tulungan kayo.” Ngumiti si manang at hinawakan pa ulit ang box.
“Ok lang hija, ako na ang bahala diyan.” She tried to get hold of the box pero inilayo ko ito sa kanya. Mabilis akong napailing.
“Ako na po!” I insisted. Hindi naman ito ganoon kabigat pero hindi na bagay na magdala nito si manang. “Saan po ba ito ilalagay?” Naitaas pa ni yaya ang mga kilay niya at saka siya napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...