CHAPTER 26: We're Good.

601 22 0
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng music room. Bago pumasok ay tiningnan ko muna kung may tao ba sa loob. First practice namin ngayon ni Teo at aaminin kong kinakabahan talaga ako.

Nang wala naman akong nakitang tao sa loob ay tuluyan na akong pumasok pero natigilan ako nang...

"You're late!"

Dahan-dahan akong lumingon sa nagsabi noon at nakita kong nakatayo sa likuran ng pinto si Teo.

Tss! Ano ba ang ini-expect ko? Practice namin itong dalawa kaya syempre ay nandito siya.

Hindi ako nagsalita at tumuloy nalang ako sa pagpasok. Nilapitan ko ang isa sa mga upuan at inayos ko nalang ang mga gamit na dala ko.

Nakakainis na Sungyoso'ng ito. Nagtago pa talaga sa likod ng pinto. Ano bang gusto niyang mangyari?

Nang maiayos ko na ang mga gamit ko ay naupo na ako. Kinuha ko na rin ang lyrics ng kakantahin namin ni Teo sa pageant. Si Gelou ang nagsuggest nito and well...we all agreed na ito nalang ang kantahin.

Umupo na rin si Teo sa katabi kong upuan. I really tried not to look at him dahil ayaw kong mawala sa sarili habang nagpa-practice kami.

"Anong gagawin natin?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Kinuha ko lang ang phone ko at pinatugtog iyong kanta namin.

"Pakinggan mong mabuti. You're the first to sing," sabi ko nalang. Hindi ko kasi talaga feel na kausapin siya.

Nagsimula nang tumugtog ang kanta. Kinuha ko ang lyrics na may guitar chords rin at sinabayan ang kanta nang paggi-gitara. After playing the song ay sinimulan na rin naming kumanta.

Lampas isang oras din ang ginugol namin bago kami natapos sa pagpapractice. Pagkatapos ng huling practice namin sa kanta ay tumayo rin agad ako. Inayos ko na ang mga gamit ko at kinuha ang gitara ni Gabby na inilapag ko saglit sa sahig.

"Aalis na ako," sabi ko kay Teo.

An hour of practice is enough. Hindi ko na ma-take iyong grabeng awkwardness na nararamdaman ko ngayon sa pagitan namin ni Teo. And I think my heart's gonna explode if I stay here any longer.

"Okay," aniya at inayos na rin niya ang mga gamit niya. I breathe in relief dahil sa sinabi nilang iyon. Woah! Thanks!

Tinanguan ko nalang si Teo at naglakad na ako pabalik sa classroom namin. Hindi ko na nagawang lingunin si Teo kaya hindi ko alam kung sumunod ba siya sa akin.

"How's the practice?" bungad sa akin ni Gelou pagpasok ko ng classroom.

"Fine," tipid kong sagot. Wala naman kasi kaming ginawa pang iba ni Teo kung hindi magpractice. Ang awkward naming dalawa kanina kaya kahit ang mag-imikan ay nakakailing rin.

Naupo nalang ako sa tabi niya at saka ko ipinatong sa table ang ulo ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinagpahinga ang aking sarili. Napagod ako nang sobra.

"Are you okay?"

Nilingon ko si Gelou dahil sa tanong niya. Hindi na ako nag-angat ng ulo pero sumagot ako.

"I'm fine. Pagod lang ako dahil hindi ako gaanong nakatulog kagab."

"Ha? Bakit?"

Napahikab ako saka ako sumagot. "Gumawa kasi ako ng card para kay Aila." Muli akong pumikit dahil nagsisimula nang humapdi ang aking mga mata.

"Oh! Birthday na niya pala bukas no."

Napatango ako kahit na nasa table pa rin ang ulo ko. "Oo. Bibili nga ako ng gift mamaya pagkatapos ng klase."

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon