I heave another deep sigh. Ilang beses na akong napapabuntong hininga dahil sa sobrang stress. Sino ba kasi ang hindi mai-stress kung iyong parents mo ay binabato ka ng napakaraming tanong about kay Teo. Hindi ko pa naman alam ang lahat ng tungkol sa kanya kaya hindi ako makasagot nang maayos. Nag-imbento nalang tuloy ako para makalusot lang.
I heave another sigh, the nth time perhaps, para pakalmahin ang sarili ko. Bahala na nga kung hindi consistent ang mga naging sagot ko basta ba’t pumayag na ang parents ko ngayon sa ligawang ito. BUT—yeah, there’s a really big but after that. Isa itong napakalaking pero dahil hindi lang ako ang manliligaw kay Teo.
Teka nga! Bakit si Teo ang liligawan dito? Diba dapat ako? Aaahhhh! This is really frustrating and it is really confusing me. Ganito nalang, pumayag na ang parents ko na ligawan ako ni Teo (which is ako rin naman ang manliligaw kasi ako na naman si Teo ngayon), pero manliligaw din si Jetrix sa akin. Nagulat nga ako nang sinabi ni Jetrix na manliligaw siya.
May ginawang schedule si papa para hindi magkasabay na magkita ang dalawa at gawin ang panliligaw ng bawat isa. Nakakatawa mang isipin pero mabuti na iyon para hindi maging awkward kapag nagkasabay ang pagbisita namin sa bahay.
COURTING SCHEDULE:
MWF: Panliligaw ni Jetrix.
TThSat: Ako naman ang manliligaw.
Sunday : Either sa aming dalawa ni Jetrix ang makakasama ni Teo. Magpapa-schedule muna kay papa bago ipasyal si Teo kapag Sunday.So kapag Monday, Wednesday, and Friday ay hindi ako pwedeng pumunta sa bahay para bisitahin si Teo. Kapag Tuesday, Thursday, and Saturday naman ay hindi naman pwedeng pumunta sa bahay si Jetrix. Pero sa tingin ko ay mas lamang pa rin ako dahil classmate ko naman si Teo at lagi ko siyang nakakasama sa school. Mukhang useless ang rule ni papa kasi magkikita pa rin naman kami ni Teo, and sa hulihan pa rin naman ay dapat kaming dalawa talaga ni Teo ang magkatuluyan—
I stopped with that thought in my mind.
SCRATCH THAT!
Hindi pala magkakatuluyan, magiging fake na mag-on lang.
• • •
Monday ngayon, kaya schedule ni Jetoy na ihatid-sundo si Teo sa school kaya hindi ako pwedeng pumunta sa bahay ngayon.
Palabas na sana ako ng classroom namin nang makita ko si Jetrix at Teo na papasok. Napahinto ako sa may pinto at nahinto din sila sa labas. Hindi na ako lumabas ng classroom at nakinig nalang sa pinag-uusapan nila.
Lunes pa lang ay nakabusangot na itong si Teo. Ano na naman ang problema nito?
"Have fun Rhaeca. Susunduin kita mamaya," pangiting sabi ni Jetoy pero si Teo ayon nakasimangot pa rin. Ang sungit niya talaga.
"Huwag mo na akong sunduin, may pupuntahan pa kami ng mga classmates ko."
Teka! Teka! Anong may pupuntahan? May lakad pala sila nina Gelou? Ba't di niya sinabi sa akin? Saan sila pupunta?
"Saan kayo pupunta? Sasamahan na kita," nakangiti pa ring sabi ni Jetoy. Hindi ko rin tuloy mapigilang mapangiti. Ang sweet naman kasi ni Jetrix. Sasamahan niya daw ako-Kyaaahh!
"Huwag na nga. Kaya ko naman ang sarili ko..." Naikunot ko ang aking noo.
Tsk! Ang sungit talaga ni Teo! Manliligaw ko iyan, huwag mong awayin!
"Okay, but text me kung nakauwi ka na para hindi ako mag-alala. "
"Oo na. Sige na alis ka na, baka ma-late ka pa." Nagpaalam na si Jetrix at pumasok na si Teo sa room namin. Napatigil siya nang makita ako at saka niya ako sinamaan ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...