Nagdirediretso kami sa kwarto nina Gelou to check if nandoon ba si Teo. Pero nang pumasok kami ay tahimik ang buong kwarto indicating that there’s no-one in there. I tried to contact him again pero ang sumalubong sa akin ay ring lang ng isang phone. The sound is coming from their room.
Lumapit si Gelou sa table na malapit sa kama nila at itinaas ang phone ko na siyang ginagamit ngayon ni Teo. “Kaya pala hindi niya sinasagot ang tawag natin dahil nandito pala ang phone niya,” sabi ni Gelou habang kinakalikot ito. Mas naikunot ko lalo ang noo ko. Saan ba nagpunta ang Sungyoso’ng iyon at hindi niya dinala ang phone niya? He’s just making me so worried.
Sabay kaming napalingon kay Gabby nang bigla siyang magsalita. “Pupuntahan ko lang si Jairus. I’ll ask him kung nakita niya ba si Rhaeca,” pagpapaalam niya. Tumango kami kaya lumabas na siya ng kwarto.
Kinalikot pa ni Gelou ang phone ni Teo to check kung may mga unrecognized text messages ba siyang natanggap.
“Ikaw lang ang huling tinext niya,” saad niya. Naisuklay ko tuloy ang kamay ko sa aking buhok. Nasaan na ba kasi ang isang iyon? Nag-aalala na talaga ako sa kanya.
Napalingon kami sa may pinto nang bumukas ulit ito. Pumasok ulit si Gabby at tiningnan kami isa-isa.
“What’s wrong?” agad kong natanong. Nakakunot kasi ang noo niya at hindi pa mapalagay sa kinakatayuan niya. May nangyari bang masama? Oh please! Huwag niyo nang dagdagan ang pag-aalala ko.
“Kasi... si Jai, wala din sa kwarto,” aniya.
“What?” gulat kong tanong. Anong wala si Jairus sa kwarto? Akala ko ba ay may sakit siya? Saan naman iyon nagpunta?
“Nakita ko sa kama ang phone niya. I think kasama niya si Rhaeca!” Namilog ang mata ko sa sinabi niya. What the hell! Kasama niya si Jairus?Bakit siya sumama?
“Kung kasama nga niya si Jairus, anong gagawin natin?” agad na tanong ni Gelou. Sa aming apat siya ang nagpakita ng mas pag-aalala. Among us, siya talaga ang may malaking issue kay Jairus, and I’m sure na iba na ang nasa isip nito ngayon.
I tried to calm myself lalo na at alam kong nandito ang pinsan ko. Ayaw kong may malaman siya tungkol sa issue namin kay Jairus dahil wala naman siyang kinalaman dito. Ayaw ko siyang mainvolve and I don’t want her to carry our problems as well. Kung kasama man siya ni Jairus alam kong hindi naman siya pababayaan nito, pero sana hindi ito yung sinabi niyang kukunin niya ako. Ayaw kong isipin na kinidnap ni Jairus si Teo. Sana lang talaga hindi.
Napagdisesyonan naming lumapit na sa parents ni Gabby para humingi ng tulong sa paghahanap sa dalawa. Lumapit na rin kami sa mga staffs ng hotel para matulungan din kami. Pati si Jetrix ay pinuntahan din kami. Tinext daw siya ni Kring kaya siya nagpunta. Alam kong worried na rin siya dahil akala niya ay ako nga ang nawala. Kung alam lang siguro niyang si Teo yun ay tiyak na hindi talaga siya mag-aabalang sumama sa paghahanap.
Sama-sama naming nilibot ang buong resort para hanapin lang ang dalawa. Nagpunta na rin kami sa security department ng hotel para tingnan ang cctv record. Nakita nga namin sa cctv record sina Jairus at Teo na sabay na lumabas ng hotel. May isa pang clip kung saan pagkalabas ng kwarto ni Teo ay agad siyang hinila ni Jairus papunta sa elevator.
“Mukhang pinilit lang ng lalake na sumama sa kanya ang babae,” sabi pa ng isa sa mga security personel. Hindi na kami sumagot nina Gelou dahil alam na naming hindi talaga sasama si Teo kay Jairus nang bukal sa loob. Kahit na hindi sabihin ni Teo ay alam kong hindi niya talaga gusto si Jai kaya alam kong hindi siya sasama dito. Pero ang tanong ngayon, saan dinala ni Jai si Teo?
“Kapag hindi natin nahanap ang dalawa ay irereport na natin sila bukas sa local police,” saad ng security personel sa amin. Tumango naman kami sa kanila. Sana mahanap na namin sila. Ayaw ko nang umabot pa ito sa mga police. Gusto kong isipin na okay lang sila at babalik din sila mamaya.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...