RHAECA
Kasalukuyang nagtuturo sa harap ang professor namin kaya tahimik ang lahat. I am taking down some notes pero hindi ako gaanong nakikinig sa lectures niya. Nasa iisang tao lang kasi ang atensyon ko ngayon and it’s with Teo na nakaupo sa may harapan ng klase.
Kanina pa kami nagkita pero hindi ko siya nakausap lalo na’t nakabantay sa akin si Jairus. Hindi ako makaalis nang hindi siya kasama at wala talagang nakakalapit sa akin kahit na sina Gelou man.
Sinubukan ni Teo na lapitan ako kanina nang dumating kami pero agad siyang hinarangan ni Jairus. Pumagitna ito sa amin at nakipagsukatan pa ng tingin sa kanya. Wala nang nagawa si Teo kung hindi ang lumayo nalang para iwas gulo. Ayaw niya rin atang malagot ako kay mommy.
Nang malapit nang magtanghali; sa kalagitnaan ng last subject namin sa morning session ay pasimple akong nagsulat ng mensahe para kay Teo sa notebook ko. Sinigurado ko talagang hindi ito mapapansin ni Jairus dahil baka pati ito ay bantayan niya rin.
Nang matapos ko ito ay agad ko itong tinupi at inilapag sa table. Hinintay ko nalang na matapos ang klase para maihatid ko ang mensahe sa boyfriend ko.
“Class dismissed!” anunsyo ni sir na naging dahilan para matuwa ang karamihan. Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko at ipinasok ito sa aking bag.
“Tara na Rhaeca,” nakangiti pang saad ni Jairus pero tinanguan ko lang siya. Napatingin naman agad ako kina Gelou and thankfully ay nakatingin din sila sa amin.
Palihim akong sumenyas sa kanya at itinuro ko ang papel na nasa ibabaw ng table ko. Pasimple din siyang tumango sa akin kaya napangiti ako at napaharap na ulit ako kay Jairus. Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod na rin ako sa kanya.
Dinala ako ni Jairus sa isang restaurant na nasa labas lang ng school namin. Gusto ko talagang sa school cafeteria nalang kami kumain pero nag-insist siya na doon ako dalhin, wala na rin naman akong nagawa dahil ang utos niya ang kailangang masunod ngayon. Baka ano pang isumbong niya kay mommy at baka tuluyan na akong pagbawalang pumasok sa school.
Ilang putahe din ang inorder niya. Sinabi kong huwag damihan ang orderin pero ayaw talaga niyang papigil kaya ang naging resulta ay ang dami naming left overs. Ang sayang ng mga pagkaing hindi namin naubos.
Ilang minuto bago ang susunod naming klase ay bumalik na kami sa school. Bago tuluyang pumasok sa assigned classroom namin ay napansin ko si Gelou na pumasok ng girls comfort room kaya agad akong nagpaalam kay Jairus. Hindi naman na ito nagtatanong-tanong pa at sinabihan lang ako na maghihintay siya sa labas ng comfort room, tinanguan ko naman siya para hindi na humaba ang usapan.
Nang pumasok ako sa CR ay agad akong hinila ni Gelou na ikinagulat ko.
“Rhaeca, namiss kita!” aniya at agad na akong niyakap. Niyakap ko din naman siya nang napakahigpit kaya napangiti ito.
Nang bumitaw kami sa pagyayakapan ay tiningnan niya ako nang diretso sa mata.
“Kumusta? Anong sinabi ng mommy mo?” Napabuntong hininga naman ako dahil sa tanong niya.
“Gaya ng napapansin mo ay grounded ako ngayon. Galit na galit si mommy nang malaman niyang anak ni tito Tino sa Teo. She wants me to break up with Teo,” dirediretso kong sabi para hindi na ako magkaroon pa ng time na maiyak. Baka kapag umiyak ako at mamaga ang aking mga mata ay mapansin pa ito ni Jairus at baka umabot pa kay mommy.
“Break up?” gulat niyang tanong. “Makikipaghiwalay ka ba?” Napailing ako agad bilang sagot sa tanong niya. Paano ako makikipaghiwalay kay Teo kung mahal ko ito.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...