Chapter 32: The Reunion ✔️

481 21 4
                                    

RHAECA

Huminto bigla si Teo sa paglalakad kaya napahinto din ako at tiningnan siya. “Why?” naitanong ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin at tiningnan ako.

“May nakalimutan kasi akong ibigay sayo,” aniya saka nagkamot pa ng kanyang ulo. Bahagya kong naikunot ang aking noo. Ibigay?

“Ano naman iyon?” tanong ko.

“Uhm...hindi ko kasi dala iyon ngayon. Ibibigay ko sana iyon sayo mamayang lunch, pero napaaga kasi ang pag-amin ko.” Patuloy na napakamot si Teo sa kanyang batok kaya napangiti ako. Ang cute niya kasing tingnan, nahihiya pa siya!

“Ok! Ibigay mo nalang sa akin mamaya,” nakangiti kong sabi sa kanya. Nagtaka ako nang mapangiwi siya gayong sinabi kong ok lang.

“Iyon ang problema,” malungkot niya pang sabi kaya seryoso akong tumingin sa kanya. Naikunot ko tuloy ang noo ko.

“Ha? B-Bakit?”

“Nagkapalit na kasi tayo. Hindi na ako makakabalik sa kwarto namin nina Gelou, so...” Nang maintindihan ko ang gusto niyang sabihin ay agad akong napangiti. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkapalit na ulit kami ni Teo. Kanina ay gumising ako bilang si Teo, pagkatapos ngayon ay ako na ulit si Rhaeca. Nakakatuwa lang isipin na tapos na talaga ang lahat.

“Ok! Kukunin ko nalang iyon.” Tumango pa siya pero agad din naman siyang nagpaalala.

“Huwag mo munang buksan ah! Gusto ko na ako mismo ang mag-abot noon sayo.” Napangiti ako. Para lang bata itong si Teo, pa-cute pa talaga.

Kinurot ko ang mukha niya dahil sa gigil kaya napa-ahh pa siya. Ngumiti ako nang malawak kaya napanguso si Teo.

“Oo na. Ano ba kasi iyon?” pa-cute ko ding sabi. May pasekreto pa itong nalalaman eh, ibibigay din naman niya mamaya.

Napailing siya and he grinned saka niya ginulo ang nananahimik kong buhok. “Secret pa iyon,” aniya na sinimangutan ko agad. “Malalaman mo din naman mamaya,” dagdag niya at saka niya hinawakan ang kamay ko. Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang magkahawak ang kamay.

“Ang daya naman nito. Ano kasi iyon?” patuloy kong pangungulit sa kanya na ngiti lang naman ang iginagawad sa akin.

“Mamaya na lang kasi. Ang kulit mo!” sabi niya pa at hinila ako para mas mapalapit sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan lalo na’t ang lapit na namin sa isa’t-isa. Napasimangot ako pero hindi na rin naman ako nagsalita pa.

Ano kaya iyong ibibigay niya? Curious na curious talaga ako.

Patuloy na kaming naglakad hanggang sa marating namin ang common room. Nandoon na ang iba naming kasama pati na rin sina Gelou at Gabby na naabutan naming masayang nagkwekwentuhan. Agad naman kaming lumapit ni Teo sa dalawa.

“Good morning,” sabay naming bati ni Teo sa kanila. Nag-angat naman ng tingin ang dalawa at nilingon kami.

“Good morning!” masaya din nilang bati sa amin.

Tahimik kaming naupo ni Teo sa tabi nila at pasimple silang pinagmasdan. Hindi pa nila alam na nagkapalit na kami ni Teo kaya nai-excite ako kung mahahalata ba nila. Mapapansin kaya nilang nagkapalit na kami?

"So..." panimula ko,  pero napatigil ako. Naalala ko bigla ang nangyari kagabi. Okay na kaya si Gelou?

Napatingin si Gelou sa akin. "R, okay ka na?" aniya.

R? So, hindi pa nila nahahalata. Napatingin ako kay Teo at napangiti ako. "I think he's fine," nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Teo.

"Ha?" Tiningnan ko sina Gabby at Gelou. I smiled to them. Halata sa mukha nila ang pagtataka. Nagkatinginan pa sila ni Gabby at ibinalik din ang tingin sa amin ni Teo.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon