Chapter 49: Group Picture

375 18 2
                                    

This chapter is dedicated to Einzork. Thanks for the support.

•••

Nakakunot noong bumaba si Teo galing sa stage habang mahigpit ang hawak niya sa laylayan ng suot niyang gold dress. Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa inis.

Diretso naman ang tingin namin nina Gelou at Gabby sa kanya and you can see this smile we’re trying to hide. Paano ba naman, biglaan nalang kasing hinila si Teo ni Arcel kanina papunta sa stage para magbigay ng isang surprise performance. Teo was really surprised to what Arcel did kaya hindi siya mapakali habang kumakanta. Naging maayos naman ang kanyang performance pero para siyang tuod habang kumakanta kanina kaya natatawa kami. Si Jairus at Rhian naman na tahimik lang ay tinatapunan lang kami nang mapangutyang tingin, but I can see the different look Jairus is giving to Teo. Malagkit ang tingin niya dito but full of love and adoration.

I find it creepy lalo na’t sa akin naman talaga niya ibinibigay ang tinging ’yon. Kahit na naiilang ako ay ipinagsawalang bahala ko nalang iyon lalo na’t baka makagawa pa kami ng gulo kung aangal pa ako. I don’t want to ruin tita Amanda’s party.

Kahit na natatawa na talaga kami kay Teo ay hindi nalang kami nagsalita. Tahimik nalang kaming nanuod sa mga performance na inihanda nina Arcel para kay tita at hinayaan nalang mag-emote si Teo nang mag-isa. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga makalimutan ang nangyari kanina. Natatawa talaga ako habang iniisip iyon.

"Don't laugh." Aniya kaya napalingon ako sa kanya. I really tried my best to hide my playful smile. I smiled to him genuinely.

"I will not! Promise." He sighed in relief at saka siya napangiti, a really sweet smile.

Hinagilap niya ang kamay ko at saka ito hinawakan. Hinawakan niya ito nang mahigpit kahit na mas maliit ang kamay niya sa akin. I felt a really relaxing warm from his hand, nakakagaan ng pakiramdam.

Napalingon ako sa kanya at seryoso ko siyang tiningnan. Kawawa naman itong boyfriend ko kung pagkakatuwaan pa namin. Alam kong nahihiya siya dahil sa sudden performance niya kanina kaya hindi ko na siya kukulitin.

Buong panahon nang panonood namin ng performance ay nakahawak lang siya sa kamay ko. He never let go of it, at sa oras na inaakala ko'y bibitawan niya ay mas hihigpitan niya pa ang hawak dito. He's acting possessive right now pero natutuwa ako sa ginagawa niya.

After nang performance ay nagsimula nang magsayawan ang iilang bisita. Habang busy ang bawat isa ay nilapitan naman nina tita ang lahat para magpasalamat sa aming pagdalo. Hindi katagalan ay naglakad na si tita Amanda papunta sa amin kaya napangiti kami sa kanya. Nang marating nila ni tito ang table namin ay napahinto din sila.

"Happy Birthday tita." Bati ni Gelou at pati na rin ni Teo. Kahit na ako ay bumati rin sa kanya at pati na rin si Gabby.

Tita smiled and gave her thanks, niyakap niya pa nga sina Gelou at Teo. Nilingon naman niya kami ni Gabby na tahimik lang na nakatingin sa kanya.

"Oh! You're Teo right?" Tinanguan ko si tita bilang sagot sa tanong niya. Nginitian niya naman ako.

"I'm Teo Buenaobra po." I introduced myself. Seryoso akong napatingin sa kanya nang mapansin ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo. Nagtaka pa ako sa reaksyon niyang iyon but I remembered what happened on Arcel's birthday.

Maybe she's acting like that because she remembered the incident in Arcel's debut. Doon nila kasi nalaman na naging boyfriend ni Kring si Teo and they really are angry about it lalo na't nililigawan naman niya ako that time. Hindi nila nagustuhan ang nalaman nila lalo na't sinulsulan pa sila ni Jetrix. Ika pa ni Jetrix noon, Teo's hitting two birds (Favilla) with one stone.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon