CHAPTER 27: Resort

563 24 0
                                    

RHAECA

Maaga akong gumising ngayon. Ngayon kasi kami pupunta sa resort at kailangan naming magpunta sa school before 7 para hindi daw kami ma-traffic.

Agad akong nag-ayos at dinala ko na ang mga gamit ko sa sala. Maayos na naman ang mga gamit ko dahil kagabi pa ako nag-impake.

“Good morning po,” bati ko kay tita pagkapasok ko sa kusina. Kasalukuyan siyang naghahanda ng breakfast.

“Good morning anak,” nakangiti niyang sabi at pinaupo na ako. “Naihanda ko na rin ang mga babaunin mo mamaya.”

“Thank you po.”

Napangiti ako habang tinitingnan si tita na ihanda ang baon nina Trixie, kuya Tristan at tito. Mabuti at okay na siya ngayon, mahigit tatlong araw din siyang maysakit.

Kinain ko na ang agahan ko at ipinasok na sa backpack na dadalhin ko ang mga food containers na inihanda ni tita.

“My, aalis na po ako,” pagpapaalam ko sa kanya. Nilapitan naman ako ni tita at hinalikan ako sa magkabilang pisngi ko.

“Ok. Mag-iingat ka.” Napatango ako at nginitian siya.

“Opo.” Napangiti lalo si tita at hinaplos pa ang buhok ko, mas napangiti tuloy ako. Ang sweet talaga ni tita sa mga anak niya.

Napabitaw sa akin si tita at sumilip siya sa labas ng kusina. “Manang, tawagin niyo na po si Manong Bobby,” aniya. Napalapit naman agad si manang kay tita at agad din namang itong lumabas para tawagin na si Manong Bobby. “Magpaalam ka muna sa daddy at mga kapatid mo bago ka umalis. Dalawang araw ka ring mawawala.”

“My, mabilis lang naman po ang dalawang araw. Uuwi din ako bukas ng hapon,” natatawa kong sabi sa kanya. Napabuntong hininga naman si tita pero agad ding napangiti.

“O-Okay. O sige na, magpaalam ka na sa kanila.” Nginitian ko siya at sabay na tinanguan.

“Opo.” Hinalikan ko si tita sa cheeks niya at umakyat na ako sa kwarto ni Trixie. Kumatok muna ako.

“Pasok.” Rinig kong sabi niya kaya pumasok ako. Nakahiga pa rin si Trixie sa kama niya at mukhang natutulog pa. Oh well, it’s saturday kaya okay lang na late siya magising.

“Trix!” tawag ko at lumapit ako sa kanya. Naupo ako sa side ng kama niya at tiningnan siya.

“Hmmm?” inaantok niyang tanong. Napagulong pa siya paharap sa pwesto ko.

“Aalis na ako,” sabi ko dahilan para magmulat siya at tingnan ako.

“Saan ka pupunta?” gulat niyang tanong. Napabangon agad siya at seryoso akong tiningnan.

“Diba sabi ko may activity kami ngayon.”

“Ah, iyong sa pageant?”

Tinanguan ko siya. “Oo.” Napatingin si Trixie sa alarm clock niya at nagtatakang napatingin sa akin.

“5:30 pa lang. Bakit ang aga mong umalis?”

“6 to 7 AM ang assembly time namin. Mas mabuting maaga akong dumating sa school para hindi ma-late.” Nakangiting sabi ko sa kanya na tinanguan naman niya.

“O-Ok.” Napalapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi. “Mag-ingat ka kuya. And don’t forget—pasalubong ko ah! And please say hi to ate Rhaeca for me.” Napangiti ako nang malawak nang marinig ko ang pangalan ko. Nakakatuwang malaman na gusto ako ng kapatid ni Teo.

“Yes ma’am,” sabi ko at saka ako sumaludo. Napatayo na din ako at naglakad na papuntang pinto. I should go, ayaw kong ma-late.

“Bye kuya!” aniya habang kumakaway sa akin. Napangiti ulit ako.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon