RHAECA
“Next.” Rinig kong sabi ng photographer kaya agad akong napamulat at napatingin sa kanya.
“Teo, Rhaeca! Kayo na ang susunod,” sabi ni Gelou nang lumapit siya sa amin. Kagagaling niya lang sa tabi ng instructor na kasama namin ngayon sa resort. Napatayo naman agad ako at hinarap ko si Gabby.
“Okay na?” tanong ko sa kanya. Inayos niya nang konte ang buhok ko at saka nag-okay sign sa akin. Kinuha ko naman ang salamin sa table at napatingin dito. He said it’s ok but I still want to see it for myself.
Namilog ang mata ko nang makita ko ang itsura ko.
“Whoa! Ayos ah!” nakangiti kong sabi sa kanya. Napangiti naman si Gabby sa akin. I didn’t know he could make someone this handsome, pwede na siyang magpatayo ng parlor.
“Galing ko no,” pagmamayabang niya na naging dahilan nang paglingon namin ni Gelou sa kanya. Napangiwi ako dahil sa sinabi niya and I mentally rolled my eyes.
“Oo na, ang galing mo na! Kailan ka pa nagpaparlor?” Ngumisi pa ako and that made him frown. Napatawa nalang kami ni Gelou sa kanya.
“Kung iniisip mong bading ako...”
“Tara na!” Gelou cut him off. Lumapit siya sa akin at hinila ako papunta sa photoshoot. Napasimangot lalo si Gabby kaya nag-peace sign nalang ako sa kanya. Tumayo na rin si Teo at sumunod sa amin sa harap. The photographer instructed us to stand in the middle kaya ginawa naman namin iyon.
Hinintay nalang namin na magbigay pa siya ng other instructions. Nakatayo lang kami doon na magkaharap at magkahawak ang kamay. Ang awkward nga pero hindi naman ako nahihiya sa kanya. Nag-angat ako ng tingin kay Teo at saka nginitian siya.
“Ganda ah,” sabi ko. Maganda ang pagkakaayos ni Gelou sa mukha ko. She curled that long hair of mine and gave it a wavy feel, bagay ito sa theme ng photoshoot namin. The make up is also light but she focused on my cheeks kaya parang nagba-blush si Teo. I really love his look! Ang ganda kong tingnan.
“Ngayon lang yan,” seryoso niya namang sabi kaya napasimangot ako. Ngayon lang?
“So, ang ibig mo bang sabihin ay hindi ako maganda?” Tinaasan ko siya ng kilay na nagpangiti naman sa kanya. This guy really something! Hindi talaga siya nahiyang insultuhin ako. Tss!
“Ngayon mo lang ba nalaman?” aniya kaya mas nainis ako. Nakangiti lang naman siya at hindi talaga nahiya. He is so mean.
“So you’re saying that I’m not beautiful? Kapal mo rin ah! Feeling mo naman ang gwapo mo...”
“Gwapo naman talaga ako,” sabi niya and cut me off. Mas lalo kong naikunot ang aking noo habang nakasimangot pa rin sa kanya.
“Gwapo? Kailan ka pa naging gwapo? Ang baduy mo kaya!” Oh yeah! I’m definitely lying but I would not tell him that. Yes, he is handsome but it is also true na baduy siya. Sayang nga iyang kagwapuhan niya dahil hindi siya magaling mag-ayos. Well Teo Buenaobra, sorry nalang! Ininsulto mo ako kaya patas lang tayo.
“Sinong baduy?” kunot noong tanong niya. Oh! He’s mad. Agad akong napangiti at diretso siyang tiningnan sa mata.
How does it feel na sabihan ng mga salitang ayaw mong marinig?
“Capital I.K.A.W, Ikaw!” nang-iinis kong sagot sa kanya na nagpasimangot sa kanya. Mas napangiti ako lalo. Sungyoso talaga!
Naitaas niya ang kanyang kilay pero napasmirk naman ito. Nagtataka ko siyang tiningnan. What now?
“Ah, ganun ah!” aniya. Nabigla nalang ako nang kinurot niya ako bigla sa aking mukha. Pumasan pa siya sa likod ko at ipinulupot ang mga kamay niya sa leeg ko.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...