Matagal na ito sa drafts ko at ngayon ko lang naipost. Busy kasi ako masyado sa school kaya wala akong time mag-UD. Sana magustuhan niyo itong update ko.
PS: Happy intrams USePians.
—❇️—
“HELP ME,” saad ng bata sa amin ni Teo. Parang lumakas bigla ang ihip ng hangin at lumamig ang buong paligid pagkasabi niya ng mga katagang iyon. Nagsitayuan din ang mga balahibo ko sa braso at kinilabutan ako sa sinabi niya.
Help? How can we help him? Eh hindi nga namin matulungan ni Teo ang mga sarili namin sa sitwasyon namin ngayon.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa bata. Hinihintay ko na ituloy niya ang mga sasabihin niya. Ano bang tulong ang kailangan niya sa amin? Ito ba ang paraan para ibalik na niya kami ni Teo sa dati?
Sigurado naman ako na siya ang may kagagawan ng mga nangyayari sa amin ngayon ni Teo because I saw him several times when it comes to this swap. Ayaw ko na nang ganito kami ni Teo, pagod na ako. Pagod na akong magpanggap! Natatakot ako na baka darating iyong time na may makakabuko na sa amin at malalagot kami. Hindi lang din ako pagod, takot din ako at sobrang namimiss ko na ang lahat ng naiwan ko dahil sa pagkapalit namin ni Teo.
“Tulungan niyo ako,” saad ulit ng bata. Tiningnan ko si Teo. Nakatingin lang siya nang seryoso sa bata kaya naman ibinalik ko na rin ang tingin ko sa bata. “Tulungan niyong buoin ang pag-ibig sa dalawang taong nagbago because of me,” nakangiting sabi nito sa amin ni Teo. Naiinis na ako sa ngiting iyan. Pero teka nga lang! Did I heard it right? Pag-ibig? Love? Buoin? Kanino?
Napatingin sa akin si Teo. Nagtataka din siya sa mga sinabi ng bata sa amin. Ano bang magagawa namin para mangyari ’yang gusto niya?
“Find them, and let love bloom in their hearts,” dagdag nito na sinagot ang tanong sa isip ko. Agad namang namilog ang mga mata ko.
“W-What? T-Teka! Hahanapin namin yung dalawang taong yun? Paano?” Ngumiti lang iyong bata kaya mas nainis ako.
Bakit ngiti lang lagi ang binibigay niya sa amin? We have many questions and we need answers kaya dapat ay sinasagot niya kami. Nakakainis na siya ah!
“Everything will be okay after this.” He gave us a smile again, but a more sweeter smile. “Enjoy the night,” aniya at bigla din siyang nawala.
“WAIT!” sabay naming naisigaw ni Teo.
We look for him everywhere. Nilibot namin ang buong garden ng hotel pero wala na talagang nagpakitang bata sa amin.Napabuntong hininga nalang ako. Bakit ba siya biglang nawala? Kailangan pa namin siyang makausap, iniwan na naman niya kaming walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa amin. We’re too clueless. Saan namin hahanapin yung dalawang taong tinutukoy niya?
Nakita kong napasabunot si Teo sa buhok niya— I mean sa buhok ko. Kawawa naman ang hair ko na sinabunot niya. Hinayaan ko nalang siya kahit na gustong-gusto ko nang magreact. Naiintindihan ko siya, I know he’s frustrated. Naupo nalang ako sa bench at tahimik siyang tiningnan.
“Balik na tayo sa loob,” ani nito kaya nabigla ako. Tinanguan ko nalang siya at tumayo ako ulit. Nagsimula na siyang maglakad papasok at sumunod naman ako sa kanya. Bago ako pumasok nang tuluyan ay napatingin muli ako sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...