RHAECA
Nakakunot noo kong tiningnan ang lalakeng nakatayo ngayon sa aking harapan. Simula nang sabihin niyang siya ang magiging bodyguard ko ay lagi nalang siyang nakabuntot sa akin.
Nasa bahay ako ngayon. It’s been two days mula nang lumabas ako sa hospital, three days since Teo’s birthday.
From the previous swap namin ni Teo ay may napansin akong kakaiba sa swap namin ngayon. Hindi tulad nang dati na sa tuwing gigising kami kinabukasan ay muli na naman kaming magpapapalit, ngayon ay nanatili ako sa aking katawan. It’s been three days since the swap happened pero heto pa rin ako sa sarili kong body. Hindi pa namin nagagawa ang mission ni kuya Tam pero bakit nakabalik na ako sa katawan ko?
I want to contact Teo para makausap siya tungkol sa mga nangyari, but mommy confiscated my phone. Hindi ako makagamit ng laptop para ma-email o ma-chat ko man lang si Teo. Daig ko pa ang nasa high school nito dahil mukhang grounded ako ngayon. Idagdag mo pa itong si Jairus na lagi nalang nasa bahay at sinasamahan ako.
He tried to talk to me pero hindi ko siya pinapansin, naiinis kasi ako. Alam niyang may boyfriend ako pero ginagawa niya pa rin ito. Hindi niya dapat sinunod ang gusto ni mommy.
“Do you want to go to the mall?” Bigla niyang tanong na naging dahilan para lingunin ko siya. Bahagya kong naikunot ang aking noo at seryoso siyang tiningnan.
“Mall? You know I can’t get out.” May halong inis kong sabi. Alam niyang grounded ako kaya nakakainis na nagtatanong siya ng ganito. He smiled na dahilan para mas mainis ako. Is he trying to tease me?
“Akala ko hindi mo na ako kakausapin.” Aniya na hindi napigilang ngumiti nang malawak. Tiningnan ko siya nang masama dahil sa sinabi niya. If sinabi niya lang iyon para makuha ang atensyon ko, well he succeeded.
Dahil sa pagka-bored ko ay gusto ko na talagang lumabas ng bahay. Tanging magagawa ko lang kasi para matanggal ang boredom ko ay ang magbasa ng libro o kaya ang manuod ng tv. I really want to go somewhere na malayo dito sa bahay. Nai-stress ako dito!
“Chill!” Aniya nang mapansin ang reaksyon ko. “Kung gusto mo ay tutulungan kitang makalabas ng bahay. Tiyak na papayag si tita kapag ipinagpaalam kita sa kanya.” Naningkit ang aking mata sa sinabi niya. Ang lakas naman ng confidence niya. Kaya niya nga kaya akong ipagpaalam kay mommy? Eh ang mahigpit na bilin no’n ay ang huwag akong palabasin ng bahay.
“Ok! Let’s go out.” Sabi ko na ikinangiti niya.
“Yes ma’am!” Aniya na nagsalute pa talaga. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at sa tingin ko’y pinuntahan niya si mommy.
Dahil sa hindi naman ako sigurado na papayagan talaga kami ay nanood nalang ulit ako ng TV. Hindi naman ako nag-iexpect na papayagan talaga siya lalo na’t galit pa si mommy.
Busy ako sa panonood ng isang noon time teleserye nang magbukas ang pinto. Ang akala ko ay si Jairus ito pero nabigla ako nang si mommy ang pumasok ng kwarto. Napaupo ako nang maayos at saka ko siya tiningnan.
“Mom!” Sambit ko.
Hindi nagsalita si mommy, sa halip ay lumapit siya sa akin at naupo sa tapat ko.
“Naiinip ka ba dito?” Tanong niya na ikinabigla ko. Dahil sa naiinip naman talga ako ay natango ako sa kanya. Ayaw kong magsinungaling kay mommy.
“Ok! Pwede kang lumabas…pero kasama mo si Jairus.” Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang papayag siya na lumabas ako ng bahay.
Sa ilang araw kong paglalagi dito ay hindi ko inakalang papayag siya nang ganito kabilis. Ilang beses na akong nakiusap sa kanya pero hindi niya ako pinayagan, but now─isang sabi lang ni Jairus ay napa-oo agad siya. Sino ba talaga ang anak niya rito?
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...