Chapter 51: The Memory ✔

365 21 9
                                    

This chapter is dedicated to angelicatelm. Thanks for the support. I hope you like it.

---

May panahong isang bagay na hindi mo inaasahan ang bigla nalang susulpot para guluhin ang plano mo. There are no guarantees that all your plans will be a success. There's a big possibility na kahit gaano mo man ito pinaghandaan ay papalpak pa rin ito. Always be ready, dahil hindi mo naman alam ang outcomes nito.

•••

RHAECA

Abala ang lahat ngayon sa bahay nina Teo. Manang Anita is in the kitchen preparing the foods for the celebration tonight, while the maids are busy cleaning the whole house. Tito Tino is still at work, and tita Mich and Trixie is out to buy cake and other things needed in the party. Nasa kwarto naman ako, tahimik na nakaupo sa kama habang seryoso ang tingin sa hawak kong picture frame.

I breathe deeply at saka ako napatayo. Tinungo ko ang bintana na ngayon ay natatabunan ng makapal na kurtina. I pulled it aside kaya sumilay agad ang liwanag mula sa labas. Iniangat ko ulit ang picture frame at tiningnan ang mga tao sa litrato.

It’s been a week since I found this in tito Tino’s study. Hindi ko na ito ibinalik doon dahil natatakot akong baka komprontahin niya ako kapag sakaling nahuli niya akong hawak ito. Isa pa ay gusto ko muna itong i-keep habang nag-iisip ako ng mga possible scenarios kung bakit nakita ko silang magkakasama sa iisang picture. Hindi ko naman kasi alam na magkakakilala pala sila.

Ibinaba ko sa tabi ko ang frame nang biglang magbukas ang pinto at bumulaga sa akin ang mukha ni kuya Tristan. Hindi na siya nag-abalang kumatok at dirediretso lang na pumasok at nilapitan ako.

“Tol, wala ka bang planong umalis ngayong umaga?” Tanong niya. Tumayo siya sa harapan ko at tiningnan ako. Agad akong napailing.

“Wala naman akong appointment ngayong umaga? Bakit?”

“Aalis na muna ako. Sandra texted me na—”

“Who’s Sandra?” Pagputol ko sa kanya. Ito ang unang beses na narinig ko ang pangalang iyon. Kaano-ano niya iyon?

Natigilan si kuya Tristan at saka napangiwi. Agad niyang itinapat sa kanyang labi ang hintuturo niya at saka gumawa ng ingay.

“Sssshh!” Aniya na itinapat pa sa kanyang labi ang index finger niya. Naitaas ko ang kilay ko at seryoso siyang tiningnan.

“Wait!” I said. Mukhang alam ko na kung sino ang Sandra'ng yan. “Girlfriend?” Tanong ko. He nods shyly.

“Kakasagot niya lang sa akin kaya hindi ko pa siya napapakilala sa inyo, but I planned to introduce her tonight.” Naiawang ko ang aking bibig sa sinabi niya. Tonight? This does not sound good. I am planning to do something tonight. “Iimbitahan ko siya sa party mo mamaya. I want to introduce her kina mommy.” Nakangiti pa siya at halatang masaya dahil sa iniisip niya.

Napayuko ako. Hindi ko magawang maging masaya para sa kanya. Kung plano niyang ipakilala ang girlfriend niya mamaya ay baka hindi ko na maituloy ang plano ko. Ilang araw ko rin itong pinag-isipan. This is my only chance dahil kung papataglin ko pa ito ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, I can’t think of any option to do this.

“O sige. Aalis na ako. Nagpaalam lang ako dahil baka hanapin mo ako. Just call me if—just incase.” Tinapik niya pa ako sa braso ko bago siya lumabas ng kwarto. Naiwan akong nakatulala thinking if I should continue the confrontation I am planning to do this evening.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon