TRIXIE
Pauwi na ako galing school pero dadaan muna ako sa supermarket bago bumalik ng bahay, bibilhan ko kasi si kuya ng fruits.
“Fammie, pauwi ka na ba?” I asked my best friend bago ako umalis. Nilingon naman niya ako at sabay na tinaasan ng kilay.
“Oo. Why?” I smiled to her sweetly.
“Samahan mo ako sa supermarket please.”
“Ha? Ngayon? Agad-agad?” Tumango ako.
“Sige na Fam. Minsan lang naman humingi ng favor itong besty mo?” Napabuntong hininga siya pero tumango din naman siya.
“Hay naku! Okay fine. Pero ilibre mo ako.” I smiled widely dahil sa pagpayag niya.
“Oo ba.” Lumapit ako sa kanya at saka ako kumapit sa braso niya. “Tara!” pag-aaya ko na tinanguan naman niya. Kinuha ko agad ang mga gamit ko at naglakad na kami palabas ng classroom.
*Kring! Kring! Kring!*
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong magring ang cellphone ko.
“Teka lang Fam ah! Sasagutin ko muna ’to.” Tinanguan din naman niya ako.
“Okay,” aniya kaya mabilis kong sinagot ang tumatawag. I clicked the answer button at saka ko itinapat sa aking tenga ang telepono.
“Hello?” bati ko sa tao sa kabilang linya.
(“Trixie, pumunta ka sa ospital. Isinugod doon ang kuya Teo mo. We’ll be there in a couple of minute, kasama ko ang daddy mo.”)
“Mom?” Natigilan ako sa sinabi niya at agad na bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Si kuya? Dinala sa ospital? Why? Ganoon ba kalala ang lagnat niya?
(“Samahan mo muna ang kuya Teo mo doon, susunod kami. And please call your kuya Tristan, inform him...okay?”)
Kahit na kinakabahan ako ay sumagot pa rin ako kay mommy. “Yes mom.” Ibinaba ko na din naman agad ang telepono nang marinig kong ibinaba din ito ni mommy. Tiningnan ko si Fammie at saka ako napaluha.
All the worries I have about kuya is starting to come to me. Paano nalang kung may masamang nangyari sa kanya? Hindi ko iyon kakayanin.
“Trix, what’s wrong? Are you okay?” tanong niya.
“Fam, sorry. Hindi na tayo tutuloy sa supermarket. Dinala kasi sa ospital si kuya Teo at kailangan ko siyang puntahan.”
“Ha? Sasamahan na kita.”
“Huwag na. Baka—”
“No,” pagputol niya sa akin. “Sasamahan kita. Paano pa’t naging bestfriend mo ako.” Napangiti ako ng malawak sa sinabi niya.
“The best ka talaga Fam.”
“Ako pa,” ngumiti siya at inakbayan ako. “Tara! Tatawagin ko lang si Manong Max at magpapahatid tayo sa ospital.”
Naglakad na kami ni Fammie. Hihintayin nalang daw namin ang driver niya doon sa labas ng gate. Magpapahatid na kami papuntang ospital.
Kumusta na kaya si kuya. Okay lang kaya siya?
•••
RHAECA
Dinala ako ni Teo sa ospital dahil tumaas kasi lalo ang lagnat ko. Eh paano bang hindi ito tataas? Pinapunta niya ako ng school kahit na hindi ko kaya tapos ang lamig pa sa classroom dahil sa lakas ng aircon. Tiyak talagang tataas ang lagnat ko.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...