CHAPTER 11: Maghintay ka

632 22 0
                                    

Bago ako lumabas ng kwarto ay sinigurado ko munang nadala ko ang laptop ni Teo. Itinext ko na rin siya na dalhin iyong akin para yun ang gamitin ko mamaya sa pag-iencode.

“Kuya, aalis ka na?” salubong sa akin ni Trixie pagkalabas ko ng kwarto.

“Oo,” nakangiti kong sagot. Napangiti din naman siya at hinila ako.

“Halika,” aniya. “Ihahatid tayo ulit ni kuya Tristan said school.”

“Okay.” Tumango ako at sinundan ko na siya palabas ng bahay.

Pagkapasok ko sa classroom namin ay naabutan ko na ang iba naming kaklase kaya hindi ko na nagawang malapitan pa si Teo. Mamaya ko nalang ibibigay ang laptop niya kapag may vacant kami. Nauupo nalang ako sa upuan ko at kinalikot ang phone ni Teo, wala kasi akong magawa.

“Ito na,” sabi ko sabay bigay sa kanya ng laptop niya. Nakaupo siya sa student’s lounge and wala siyang kasama kaya ngayon ko na ibinigay ang laptop niya. Kinuha niya naman ito na wala man lang sinabi. “Yung akin?” tanong ko. Tiningnan niya ako pero iniwas niya agad ang tingin niya para tingnan ang dala niyang bag. Mayamaya lang ay inabot na niya sa akin ang laptop ko.

“Thanks,” sabi ko at lumabas na ako ng lounge. Ayaw kong magstay doon dahil maiilang lang ako. Naupo nalang ako sa isang bench sa may hallway at doon ko na kinalikot ang laptop ko, mag-eencode na ako.

Name: Teo Kenry Buenaobra

Napatigil ako sa pag-eenconde at seryosong tiningnan ang screen ng laptop ko.

Ay naku! Napag-usapan nga pala namin ni Teo na magpapalit nalang kami ng paper na ginawa namin. Iyong gagawin ko ay siyang ipapasa ni Teo, muntikan ko nang makalimutan. Dinelete ko na agad ang sinulat kong pangalan at pinalitan ng name ko.

Name: Rhaeca Therese Favila

Napangiti pa ako at saka nagtype na ulit ako. Hindi naman ganoon kataas ang paper ko kaya agad ko itong matatapos.

“Teo!”

Naisara ko agad ang laptop ko nang lumapit si Gabby at tumabi sa akin.

Naku naman! Aatakihin ako nito sa puso eh.  Bakit sumusulpot nalang siya nang biglaan?

Mabuti nalang talaga at may auto save sa laptop ko. Kung wala lang talaga ay baka maulit ko pa iyong natype ko.

“Anong problema mo? Para ka namang nakakita ng multo?” tanong niya at tiningnan ako. Naikunot ko naman ang aking noo.

“Ginulat mo kasi ako,” naiinis kong sabi.

“Eh...malay ko ba.” Napailing pa siya kaya naitaas ko ang kilay ko. “Oo nga pala, bago ang laptop mo ah!”

“Ha?” Napatingin naman ako sa laptop ko. Bago? Hindi naman bago to! Naalagaan ko lang nang maayos kaya bagong tingnan. “Ah! Bago nga,” natatawa kong sabi. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na akin yung laptop at hindi kay Teo. Baka mabaliw siya nang maaaga.

“O nga pala pre, pupunta ka ba next week?”

Next week? Anong meroon next week? Hindi ako nasabihan ni Teo, may appointment ata siya next week. Naku!

“A-Ano bang meron next week?” nag-aalalang tanong ko. Hindi ko naman kasi alam na may kailangan palang puntahan si Teo. Nagkunot ng noo si Gabby kaya naitaas ko naman ang kilay ko. O, ano bang ginawa ko? May mali ba sa tanong ko?

“Nakalimutan mo ba? Birthday ni Arcel next week. Grabe ka ha, kahit na nagbreak kayo hindi mo dapat iyon kalimutan. Kahit papano ay may pinagsamahan naman kayo.” Namilog ang mata ko sa sinabi niya.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon