Chapter 34: I'm Sorry

455 21 0
                                    

Second update. XD
—ate sak

—❇️—

Bumalik na kami ni Teo sa common room. Nandoon na rin sina Arcel, Jetrix at pati na sina Gelou at Gabby.

Dahan-dahan akong ibinaba ni Teo sa couch. Napatingin ako sa kanilang apat at napabuntong hininga ako.

Ano ba dapat ang sasabihin ko? Sino naman ang una kong kakausapin sa kanila?

Hindi ako makapag-isip ng maayos. Gusto kong kausapin si Kring at Jetrix tungkol sa pagpunta nila dito. And I want to talk to Gelou tungkol sa mga sinabi ni Jairus. Gusto ko ring sabihin sa kanya ang sekretong tatlong taon kong itinago.

Tiningnan ko si Gelou. Mukhang siya dapat ang kausapin ko ngayon, dahil sa kanya ako may mas nagawang hindi maganda.

"Gel," tawag ko sa kanya. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. Seryoso lang niya akong tiningnan kaya kinakabahan tuloy ako. Napabuntong hininga ako. "Gelou, tungkol sa sinabi ni Jairus kanina..." panimula ko. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya, pero kailangan ko pa ring sabihin sa kanya ang totoo.

"I know Rhaeca," aniya. Natigilan naman ako.

"Ha?"

A-Alam niya? Ano ba ang alam niya?

"Rhaeca," tawag niya at napatingin siya sa akin nang diretso.

"Alam mo?" nag-aalangan kong tanong. Baka iba pala ang tinutukoy ni Gelou, ayaw ko namang magpadalos-dalos sa sasabihin ko dahil baka mas masaktan ko lang siya.

"She told me...si Fritz. Sinabi niya sa akin ang lahat bago siya mamatay." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig.

Sinabi ni Fritz? Paano?

Kinapa ni Gelou ang bulsa ng shorts niya at may kinuha siya dito. "Iniwan niya ito sa akin," aniya at inabot niya sa akin ang isang maliit na gadget, I think it's a recorder. Tiningnan ko si Gelou pero hindi ko pa kinuha ang recorder dahil kinakabahan ako. "Pakinggan mo. Dapat noon ko pa ito ipinakita sayo, but I'm afraid. I'm afraid to lose you," dagdag niya. I can see hurt in Gelou's eyes. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko.

Am I hurting her?

Nanginginig kong kinuha ang recorder na hawak niya and I play it. Sandaling may nagplay na music. Ito yung kantang madalas na pinakikinggan ni Fritz. Then, I heard Fritz dying voice. Nasa ospital na siguro siya noong nirecord niya ito.

"G-Gel. I-I'm so s-sorry. Hindi ko na ma-mahihintay ang pa-pag-uwi mo. I-I missed you." Saglit na huminto si Fritz. We heard her breathe deeply. Naiyak tuloy ako.

I missed her so much. I can feel her slipping away habang sinasabi ang mga salitang iyon. Bakit pa ba ito nangyari sa kanya? She's so young to die. Marami pa siyang gustong gawin, but because of what Jairus said, she's now gone.

"G-Gel, I-I heard Rhaeca and Jairus." Doon na ako mas naiyak nang sinabi niya iyon. Naaalala ko pa ang araw na yun kung saan hinila ako ni Jairus papunta sa isang cottage at aminin sa akin ang nararamdaman niya. Hindi ko inaakalang nandoon pala si Fritz at marinig ang lahat ng yun.

"Jai-Jairus is madly in love with her." I can feel that everyone's shock. Sina Arcel, Jetrix, Gabby, and especially Teo. I can't help but sob. Nasasaktan ako dahil alam kong isa rin ako sa dahilan kung bakit wala na si Fritz. Tinago ko ito kay Gelou dahil ayaw kong masaktan siya, pero ngayon ay hindi lang pala si Gelou ang nasasaktan ko.

Narinig ko ang pagdaing ni Fritz. Nasasaktan siya but she continued. "I-I'm h-hurt, b-but I'm not mad with Rhaeca. I love her so much, and a-ayaw kong magalit ka sa kanya. I-I am sick, yun ang ra-rason k-kung bakit ako aalis. G-Gel, do-don't blame her. It's not h-her fault." Mas naiyak ako when I heard my voice from the recorder. It must be the time nung pinuntahan ko siya sa ospital.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon