RHAECA
I woke up after having a sweet dream. Hindi ko na tuloy maalis ang mga ngiti sa mga labi ko.
“Good morning,” I greeted Gabby when he woke up. Nakaligo na ako and I am ready for the day. Kailangan ko rin kasing iprepare ang panghaharana ko kay Teo mamayang lunch kaya nag-ayos na ako after I woke up.
“Good morning. Ang aga mo ata ah?” he asked. Kinuha niya ang damit niya at naglakad papuntang banyo.
“Wala lang,” I just simply answer. Napangiti lang naman si Gabby sa akin. “Lalabas na ako. Magkita nalang tayo sa common room,” pagpapaalam ko at tumayo na ako.
“Okay,” aniya at pumasok na rin siya sa banyo kaya lumabas na rin ako ng kwarto. Tulog pa rin ang mga kasama namin kaya hindi na ako nag-abalang magpaalam sa kanila.
Ano bang meron sa araw na ito at ang sarap ngumiti?
Napatingin ako sa dagat habang naglalakad ako papunta sa restaurant na kakainan namin mamaya. Inistruct na namin ang mga staff doon kahapon kung ano ba ang gagawin nila, but I want to make sure that everything is going to be fine. Kahit na fake lang iyon, gusto ko pa ring maging espesyal ang mga mangyayari mamaya.
“Good morning.” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hindi ko talaga mapigilan ang mga ngiting kanina pa naglalakbay sa mga labi ko. Seeing him makes my day so beautiful.
“Good morning Teo,” I said smiling from ear to ear.
“You woke up so early. Himala,” seryoso niya iyong sinabi but I think he wants to joke around. Hindi lang ata niya alam kung papaano magbiro. Napatawa tuloy ako kaya kinunutan niya ako ng noo.
“Bakit ka tumatawa?” kunot noo niyang tanong.
“Ha? W-Wala lang.” Sinubukan kong magseryoso pero ang hirap talaga. Muli akong natawa at pilit ko itong itinatago sa kanya.
“Huwag mo nga akong tawanan,” reklamo niya.
“Sorry! Sorry!” I really tried my best not to laugh again. I breathe deeply then I face him. “Oh” nasabi ko nang mapansin ko ang suot niya. “Sinuot mo pala iyan?”
I scan him from head to toe at saka ako napangiti. Teo is wearing a yellow floral dress na umaabot hanggang sa tuhod niya. It really complements his skin at hapit na hapit ito sa bewang niya. Ngayon ko lang napagtanto na payat pala talaga ako.
“Ah! Ipinasuot ito ni Gelou sa akin.”
“So, you wear dresses na pala,” I said teasingly. Kumunot naman ang noo niya at tiningnan ako nang masama.
“Tss! It was Gelou, okay?” naiinis niyang sabi at sumimangot pa.
“Okay! Chill! I was just kidding, pero honestly...bagay pala sa akin yan.”
Natutuwa ako sa nakikita ko. Ang cute ko pala kapag suot ang dress na iyan. Hindi ko kasi iyan nasuot simula nang ibinigay iyan sa akin ni—Wait! Right! Hindi ko iyan isinuot dahil ayaw ni Gelou na suotin ko iyan. It was Fritz gift to me on my birthday, her last gift for me.
Pero bakit iyan ipinasuot ni Gelou sa kanya? I thought she doesn't like to see it because it reminds her of Fritzel?
“Uhm...ready ka na ba para mamaya?” I immediately changed the topic dahil naiiyak na naman ako. Ayaw kong maalala si Fritz ngayon lalo na at malapit na ang death anniversary niya. We have lots of things to do and I don't want to be distracted.
Napailing ako to clear up my mind at inisip ko na ulit ang about sa harana mamaya. Tiningnan ko si Teo and I waited for his answer.
Napabuntong hininga siya at lumapit sa akin. “No,” he said plainly.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...