CHAPTER 25: Mad

530 20 0
                                    

GELOU

Uwian na at kasama ko ngayon sina Rhaeca at Teo. Ewan ko lang kung magkabati na ang dalawang iyan dahil hindi ko pa naman sila nakitang nag-usap simula kanina.

Since sinimulan na namin ang oplan Rhaeca at Teo love team ay gumawa na rin kami ng mga kailangan naming gawin.

1ST STEP: Hatid-sundo si Rhaeca.

Una sa listahan namin ni Gabby ay ang paghatid ni Teo kay Rhaeca papuntang school at pauwi ng bahay. Pero since nagkapalit na nga silang dalawa ay si Rhaeca muna ang maghahatid kay Teo.

Noong sinabi ko sa kanilang dalawa na kailangan na naming gawin ang step 1, hindi naman sila umayaw. Pero pansin mo na hindi talaga sila okay na gawin ito. Tahimik lang sila noong nagtanong ako kung okay lang bang gawin namin ito.

Pero dahil kailangan talaga, heto kami ngayon at hinahatid si Teo pauwi sa bahay nina Rhaeca. Sumama na ako para sure na maihahatid nga siya ni Rhaeca pauwi, baka iwanan pa niya ito sa gitna ng daan kapag hindi kami nakabantay. Naninigurado lang kami ni Gabby.

Para hindi isturbo ay hindi na nakisakay si Gabby sa kotse ni Teo. Nagdala naman siya ng kotse kaya sumunod nalang siya sa amin.

Hindi naman katagalan ay narating na nga namin ang bahay nila Rhaeca. Ipinarada ni Rhaeca ang kotse sa tapat ng bahay nila while Gabby's a few meters away.

"Bye Teo!" sabi ko nang bumaba na siya ng kotse. Dumungaw lang ako sa bintana at kinawayan siya. Tinanguan naman niya ako pero agad din siyang pumasok ng bahay. Napanguso nalang ako dahil sa ginawa niya. Can't he just greet me normally like other people do? Hay naku!

Umayos na ako ng upo para tingnan si Rhaeca.

"O sige na Rhaec, aalis na ako. Agahan mo bukas ah! May pupuntahan tayo before class." Binuksan ko na ang pinto ng kotse at lumabas. Pero bago ko pa man iyon masara ay pinigilan niya ako.

"Teka Gelou, anong sabi mo?"

"Bukas before class may pupuntahan tayo," pag-uulit ko na nagpakunot ng kanyang noo. "Sige na, bye!" Isinara ko na nang tuluyan ang pinto at kinawayan si Rhaeca.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad na ako papunta sa sasakyan ni Gabby. Binuksan ko ang pinto nito at saka ako pumasok.

"Kumusta?" tanong agad ni Gabby nang makaupo na ako sa shotgun seat. Isinuot ko muna ang seatbelt bago ko siya hinarap.

"I think okay naman."

"Well, that's good to hear. Hindi naman sila nag-away?"

"Paano mag-aaway? Eh hindi nga nagkikibuan." Napahinga nalang ako nang malalim at saka ko ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana.

"Saan ba tayo ngayon?" bigla niyang tanong kaya muli akong nagbaling ng tingin sa kanya.

"Let's go shopping. Maghahanap tayo ng outfit para sa dalawa, lalo na para kay Rhaeca. Ang panget kasi ng mga gamit ni Teo, hindi bagay sa kanya."

"O sige."

Inistart na ni Gabby ang kotse at dinaanan naman namin ang kotse ni Teo. Sa hindi ko alam na dahilan ay hindi pa ito umaalis doon.

"Bye Rhaec!" sigaw ko nang madaanan namin siya. Napalingon pa siya sa amin pero dahil pinaharurot na ni Gabby ang kotse ay hindi ko na alam kung sumagot siya.

"Saan tayo?" tanong ni Gabby habang tinatahak namin namin ang daan palabas ng subdivision nina Rhaeca.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at saka ko siya sinagot. "Mall..."

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon