Chapter 46: List

396 13 0
                                    

Mabilis kong hinila ang kamay ni Jetrix at tiningnan ang suot niyang golden bracelet. Naikunot naman niya ang kanyang noo at mabilis na hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

"What are you doing?" Nakakunot noo niyang tanong at sinamaan ako ng tingin.

Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ba't ko hinila ang kamay ni Jetrix, maybe because I want to make sure na ang suot niyang bracelet ay yung bracelet na suot namin ngayon.

"Teo?" Nagtataka namang tanong ni Gabby na gaya ni Jetrix ay naguguluhan rin sa ikinikilos ko.

"I-I'm sorry!" Sabi ko. Nahihiya ako sa ikinilos ko sa harap niya. Hindi na kasi ako nakapag-isip nang maayos dahil mas nanaig sa akin yung curiosity.

Marami na kaming taong na naiconnect sa golden bracelet na 'yon. Kung pati si Jetrix ay kasali, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sa lahat ng taong ito, paano namin malalaman kung sino ang hinahanap namin.

"Ano bang nakain mo at agad kang nanghahawak ng kamay." Nakakunot noo niya pa ring sabi. Tiningnan niya pa ang kamay niya na hinawakan ko at doon ko mas nakita nang klaro ang bracelet na nakita ko kanina.

Nothing can describe how I feel right now. Kompirmado, Jetrix is wearing the same bracelet.

Biglang sumakit ang ulo ko. Nahihirapan na nga kami sa sampung taong ini-investigate namin ngayon, dadagdag pa si Jetrix.

"Sorry ulit." Paghingi ko ulit ng tawad sa kanya, tiningnan lang naman niya ako. Hinarap ko si Gabby at sinenyasan ko siya na aalis na kami. "Mauna na kami. Sorry talaga sa nangyari." Pagkasabi ko no'n ay nagsimula na akong maglakad. Nilingon ko pa si Jetrix pero naglakad na ito palayo sa amin, papasok sa College of Tourism and Hospitality Management.

Napabuntong hininga ako na agad namang napansin ni Gabby.

"Ano bang problema?" Tanong niya. Nakasimangot ko siyang hinarap.

"We have another person to investigate." Sabi ko na nagpakunot ng noo niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Jetrix... he's wearing the same bracelet." Sabi ko. Namilog ang mga mata niya at nilingon niya pa si Jetrix na tuluyan nang nakapasok sa nasabing College.

•••

Nandito kami sa bahay ngayon. Nagpaalam si Teo sa parents ko na gagawa kami ng project dito and mabuti nalang talaga at pumayag sila. Ang hindi lang alam ni mama ay hindi naman talaga project ang inaatupag namin ngayon kung 'di ang tungkol do'n sa mga bracelet.

Isa-isa naming idinikit ni Teo ang mga litrato ng mga taong naiugnay namin sa bracelet. Pati sina Gelou at Gabby ay tinutulungan na rin kami. Bumili pa kami ng cardboard para dito idikit ang mga pictures namin.

"Para tayong detectives ngayon ah." Pabirong sabi ni Gabby na nagpangiti sa aming lahat. Kahit na si Gelou na parang umiiwas kay Gabby ay nangingiti na rin.

Tiningnan ko pa sila nang mabuti. Ipinagtataka ko talaga kung ba't ba sila nag-iiwasan ngayon. May alitan ba sila?

Siniko naman ako ni Teo nang mapansin niyang nakatingin ako sa dalawa.

"May problema?" Tanong niya at napatingin din siya kina Gelou, tiningnan din naman niya ako ulit. "Huwag mo nang guluhin ang utak mo tungkol sa dalawang yan, magsasalita din sila kapag handa na silang sabihin sa atin ang problema." Bulong niya sa akin kaya tumango ako.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa ginagawa ko, pati din si Teo ay nagpatuloy na sa ginagawa niya. Matapos naming maidikit ang mga pictures ay nagsimula na akong magtake notes ng mga maaaring reason kung ba't isa sa amin ang hinahanap namin ni Teo. I started with Jairus and me.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon