Cleress Xiashin Pov:
💠5 years ago💠
✨ FLASHBACK✨
Halos Araw Araw nakatingin ako sa cp ko para i-check kung may message ba sakin si Azhi??
Laging tanong sa aking isipan.
'Musta na kaya sya?'
'Bakit Hindi sya nag paparamdam?'
'Namimiss nya rin ba ako?'
'Natuloy ba kasal nila o hindi?'
'Babalikan nya pa ba talaga ako?'
'Tutuparin nya kaya talaga pangako nya sakin?'Pero kahit napakaraming katanungan saaking isipan ay pinanatili ko ang puso kong naghihintay sa kanyang pag babalik para tuluyan nang masagot ang aking mga katanungan.
_Kahit walang kasiguraduhan patuloy parin akong naghihintay sa kanyang pagbabalik_
Ilang BUWAN na ang lumipas pero wala parin syang paramdam.
______________________________________________
Azhi? Musta ka na po? Wag ka po papagutom, alagaan mo po ang sarili mo"- SENT
______________________________________________Yan ang lagi kong mensahe sa kanya subalit ni minsan hindi nya man lang nagawang tignan.
Pati sa message tinext ko sya, tinatawagan pa nga pero nag mumukha lang akong desperate kasi wala namang sumasagot sa bawat text ko. Di naman sya macontact sa bawat tawag ko.
Hanggang sa TAON na ang lumipas subalit hindi man lang sya nag abalang magparamdam sa akin para kahit papaano may matira pang pag asa sakin na may hihintayin pa akong babalik sa aking piling.
Hanggang sa dumating ang araw na akala ko pag-asa ang naghihintay subalit nagkamali pala ako pagkat Wala na pala akong hinihintay.
~"Xianak! Nasa TV si Prince!!!" ~
Dinig kong sigaw ni kuya Mark kaya agad sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Agad akong napatakbo palabas ng kwarto para tignan kasi sobrang sabik na sabik na ang puso ko na masilayan sya pagkat sobrang nangungulila na ako sa kanya.
Mas lalong napalawak ang ngiti ko ng makita ko si Azhi na ini-interview sa UK. Di ko naintindihan ang iba nilang pinag uusapan kasi focus lang ako sa mukha ni Azhi habang nakangiti. Kahit napaka serious look ni Azhi sa TV na parang nautangan.
Pero agad din nagbago ang mood nya ng matanong sya tungkol sa status of love life nya.
~"I'm taken" ~
'Im taken'
'Im taken'
Nag paulit ulit ang katagang iyon sa isip ko.
Nawala ang mga ngiti sa labi ko ng ipakita nya ang singsing sa finger ring nya.
It's infinity ring...
Parang may sariling mga buhay ang luha ko na patuloy nagsibagsakan.
Nababasa ko sa kanyang mga mata ang saya. Dahil kumikinang ang kanyang mga mata habang ipinapakita ang ring on his ring finger.
Nilipat nalang ni kuya ang TV channel kasi iyak nalang ako ng iyak.
Mula noong ARAW naiyon. Bawat pagising ko sa Umaga ay nawawalan na ako ng pag-asa.
Kaya pala di na sya nagpaparamdam kasi agad nya akong napalitan sa puso nya.
_Nangako sya kaya naghintay ako sa kanya!_
_Sana sinabi nya na meron nang iba sa puso nya para di na ako umasa!_Kaya simula nung ARAW din nayun pinilit ko na bumangon. Sa tulong ng mga kaibigan ko at pati na si Clyde na lagi lamang nakaalalay saakin.
Sinasabi ko sa sarili ko na paunti-unti ay humihilom na ang sugat sa puso ko habang lumilipas ang panahon.
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romance𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...