Chapter 90: Cross the Path

95 2 0
                                    

Lhezandra Pov:

Simula nang i-public ni Dave ang relasyon namin, maraming nabago.

Maraming gustong makipag kaibigan, maraming feeling close at marami namang halos pat@yin na ako sa kanilang mga isipan.

Ang malala pa Iba sila kung mag down saakin. Talagang ipinagmumukha nila na di ako karapatdapat para sa isang tulad ni Dave.

Pero gaya ng sabi ni Dave. Wag ko lang silang intindihin. Kaya pinipilit kong ibaliwala mga judge ng iba saakin.

One week akong leave sa trabaho ko dahil kay Dave.

Gusto daw akong makasama kaya pinag bigyan ko na. Kasi gusto ko rin naman syang makasama at mas makilala pa.

Gusto kong ibalik ang dati. Ang dating meron kami. Yung wala pang balakid sa relasyon namin. Yung masaya lang kami at wala pang ina-alalang problema.

Ung very memorable college life ko w/ a hearthrob boyfriend.

Napangiti ako sa naisip pero nawala din ang mga ngiti sa aking labi ng maalala yung kahapon na nagpahirap saamin.

Mahigit anim na taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko.

Kasi kung hindi ako naging dvwag siguro naman hindi kami mas mahihirapan ni Dave noon.

Pero naisip ko rin, kahit siguro naging matapang ako noon di parin mababago ang naging kapalaran ko.

Malungkot akong napatingin sa bawat pag patak nang ulan sa lupa.

Tapos na ang nakaraan. Di ko na iyon maibabalik o mababago pa, pero ngayon? Siguro naman second chance ko na ito para maging matapang na.

Itinaas ko ang isang palad ko at pinilit saluhin ang mga patak ng ulan na nagmumula sa langit.

Nabigla ako ng may pumulupot na braso sa beywang ko pero nag pa-ubaya nalang din nang mamalayan na si Dave iyon.

"Sweetie, ang lamig ng ulan baka sipunin ka" Napangiti lamang ako sa sinabi ni Dave.

Tuluyan akong napalingon dito.

"Nakabalik ka na pala" Ngiti ko.

Naabot kasi kami ng ulan dito sa labas ng mall kaya bumalik si Dave para bumili ng raincoat at payong.

"Yeah. Wear it"

Napalingon ako sa hawak nitong isa pang raincoat tsaka may payong pa.

"Para di ka mabasa" Nakangiting usap nito.

Napangiti din ako tsaka sinuot na yung raincoat.

"Pero Dave---"

"What is it again?" Seryusong tanong nito.

"Ah eh.. B-boyfie" Nahihiyang usap ko.

"Good" Ngiti nito.

Napahugot ako ng malalim na hininga.

"Ahm.. Boyfie huwag na tayong mag payong. Tsaka maglakad nalang tayo malapit narin naman ang restaurant" Usap ko.

"Huh? Why? Mababasa tayo--"

"May raincoat naman na tayo. Maganda kasing maglakad sa gitna ng ulan. Ganun kasi kami nina besh nung highschool" Kamot ko sa batok.

"Tss. It's really obvious na ang kukulit nyo noon" Naiiling na baling nito.

"Pft! Hindi naman nuh, syempre wala naman masamang mag enjoy paminsan-minsan"

"Ok ok" Taas nito ng dalawang palad. "Halika dito, ayusin ko muna yan"

Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon