Cleress Xiashin —Lee Pov:
PABALIK BALIK ako nang lakad dito sa loob ng kwarto.
Nilalamig na nga ako sa kaba idagdag pa ang lakas ng aircon.
Napayakap ako sa sarili ko.
'Bat ba kasi ito ang suot ko? kunting sabit lang malamang makikitaan ako ng kaluluwa'
May built-in bra na kasi ito kaya no need na ako mag suot nun huhu, di akin ito kay Zami ito eh kala ko sya ang pinakamatino sa kanila tapos bibigyan pala ako ng ganito huhu!
"I-inhale! Exhale!" Paulit-ulit na bulong ko habang pabalik balik ng lakad.
'Huwag ko na kaya ituloy ang plano?Atras nalang kaya ako?'
KUMUHA ako ng panyo pangpunas sa mga pawis ko.
'Nilalamig ako na pinagpapawisan eh!'
Madami nga ininom ko kanina kaso mukhang di tumalab saakin ang alak huhu nasa katinuan parin ang pag-iisip ko eh!
Yaka yarn self tiwala lang.
Huhuhuhu!!
NAPAUPO ako sa kama at bahagyang napapadyak.
'Bakit sobrang hirap naman ata ang gagawin ko? huhu!'
IPINIKIT ko ang mga mata ko at humugot ng lakas ng loob subalit halos kapusin ako ng hininga nang marinig na ang pagbukas ng pinto.
AGAD kong iminulat ang mga mata ko at mas lalong binalot ng sobrang kaba ng makita nang pumasok si Azhi.
"Good evening Honey!" Agad na bati nito saakin na may ngiti sa mga labi tsaka na sinara ang pinto.
SUNOD² akong napalunok bago tumayo at kunwang confident na ngumiti.
"Good evening too, Azhi!"Pagbati ko din.
PANSIN ko na hinagod nito ng tingin ang kabuuan ko pero iniwas din bigla ang mga mata.
Inhale! Exhale!
"I heard, you had dinner together with your friends na hm?"
Bahagya akong napanguso bago tumango.
'Wala man lang naging comment kahit negative huhu'
*Pout*
"Uhm. Opo, eh Ikaw k-kumain ka na po ba?"Tanong ko nalang.
"Yep, unti lang" Tugon nito at dumiretso na sa walk-in closet.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang ibinababa ang laylayan ng dress, sobrang iksi kasi eh.
Pinagsisihan ko nang sinuot pa ito.
"Btw how's your bonding with your friends?"Tanong nito ng di man lang ako tinapunan ng tingin.
"Uhm..ayos naman po." Ngiti ko."Yung sainyo kumusta?" Balik tanong ko.
NAPAIWAS ako ng tingin ng hubarin na nito ang suot na damit.
'Self, ibibigay mo na sarili mo tapos yan palang di mo na matignan'
Napapikit ako.
"Not so good, not so bad just right." Dinig kong tugon nito pero mukhang ang lapit nya saakin.
Naimulat ko ang mga mata ko at ganoon nalang ang gulat ko ng bumungad sya sa harapan ko.
Gosh! Ang lapit nya sobra huhu!
Wahhhh! Wala syang suot na damit huhu!
"Nag enjoy ka ba sa bonding nyo?" Bulong nito habang nakatitig sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite
Romantiek𝐁𝐎𝐎𝐊 3 𝒐𝒇 𝑊ℎ𝑒𝑛 𝐶𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ𝑟𝑜𝑏𝑠 𝑓𝑎𝑙𝑙 𝑖𝑛 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑆𝑖𝑚𝑝𝑙𝑒 𝐺𝑖𝑟𝑙𝑠. 𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒐𝒔𝒆 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒘𝒐 𝒅𝒊𝒇𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅'𝒔 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒖𝒏𝒊𝒕𝒆 (𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡ℎ...