Chapter 166.2: Big dreams

116 1 0
                                    

Cleress Xiashin Lee Pov:

"Maraming salamat ho at pinaunlakan nyo ang aming paanyaya Mrs. Lee!"

"Thank you very much Mrs. Lee, the children will surely be happy when they find out that you accepted our invitation, despite your busy schedule."

"Wala pong anuman. Masaya po ako't napagbigyan ko ang kahilingan ng mga bata.."Masayang usap ko.

"Talaga naman na napakabuti mo hija"

Isang ngiti lamang ang aking isinukli.

Binigyan kasi kmi ng invitation ng isa sa mga orphanages na tinutulungan nila Azhi.Gustong gusto daw kaming makilala ng mga bata, picture lang daw namin ni Azhi ang nakikita ng mga bata. Gusto daw nila kaming makita in personal.

"Pasensya na po at di nakasama ang asawa ko ngayon. Pero sigurado po ako na babawi po iyon"

Busy kasi si Azhi sa mga meetings nya kaya pinilit ko talagang makapunta dito para sa kanya.

"Nauunawaan namin Hija"

"Salamat po"

"Napakarami nyong natutulungan ng iyong asawa.Napakapalad namin at isa na kami roon"

"Huwag nyo po yun isipin.Malaki nga rin po ang pasasalamat namin sainyo dahil sa pag-aalaga nyo sa mga batang ulila na"

"Naku, wala iyon hija. Isa na silang pamilya para saamin"

Mas lalo akong napangiti.

"Dito po ma'am"

Sumunod na ako sa kanila.

'Pansin ko lang na walang umaaligid na mga bata sa paligid. Nasaan kaya sila?'

Hanggang sa pumasok kami sa isang kwarto.

"WELCOME ATE GANDA!! WE LOVE YOU!"

"WELCOME ATE GANDA!! WE LOVE YOU!"

Napatakip ako sa bibig sa sabay² nilang pagsalubong saamin.

May pa tarpaulin pa sila. May nakahanda din silang mga food.

Sinenyasan ko ang mga body guards ko na hayaan silang makalapit saakin.

"Kayo po pala ang tumutulong saamin. Ang ganda² nyo po at halatang ang bait bait pa" Usap ng isang batang babae na mukhang 6-7 years old palang.

"Aba naman, ang bata bata mo pa bolera ka na haha!"Natatawa kong pinisil ang kanyang matambok na pisngi.

"Totoo po iyon ate Ganda!"Sakay pa nung batang lalaki na kaedad lang nito.

"Sus! Isa ka pa.." Natatawang usap ko.

Hanggang sa isa-isa silang nagbigay ng flowers and cards saakin at binigyan ako ng halik at yakap.

"Wow naman! Oh How sweet nila. Thank you.."

'Ang sweet naman'

"Mga bata ingat baka masaktan ang ate nyo!"

"Isa-isa lang huwag magtulakan, lahat naman kayo mayayakap ng ate nyo"

"Thank you so much."

"Kami dapat magpasalamat sayo hija"

Napangiti ako.

"Oo nga pala, may mga gifts po akong dala para sa inyong lahat."Nakangiting usap ko.

"Narinig nyo yun mga bata?"

"YEHEY! THANK YOU PO!!!"

"WE LOVE YOU ATE GANDA!"

Muli ko silang niyakap.

Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon