Chapter 119: Reciprocal of Mistake

74 5 1
                                    

Cleress Xiashin Pov:

INAYOS ko muna ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Nahihilo ako sa napakaraming mga tao sa paligid pero pinilit kong tatagan ang sarili ko.

Hahanapin ko si Azhi.

Basta bahala na, kailangan kong bumawi sa kanya kahit ang kapalit nun ay ang pang huhusga saakin nang mga tao.

Napatigil ako nang makita si Azhi di kalayuan. Meron syang mga kausap at pawang about business usapan nila.

Inhale! Exhale!

'Basta ang gagawin mo lang self, lumapit sa kanya at hawakan ang kamay nya o kumapit sa braso nya'

Tama yun nga!

Napatitig na ako sa kamay ni Azhi na nasa side nya lamang while yung isa nyang kamay ay may hawak na wine.

'Kaya mo yan self!'

Kahit merong gloves ang kamay ko ay nilalamig parin talaga ako. Mahigpit na hawak ko sa clutch bag ko.

Huminga ako nang malalim bago naglakad patungo sa kanilang direksyon.

Napahinto muna ako ng may mapadaan sa harap ko. Napa bow ako at ngumiti, tsaka ko muli nilingon ang direksyon ni Azhi.

'Ok gagawin ko na ito!'

Malapit na sana ako pero muli akong napahinto nang lumapit yung babae na Prinsesa daw sa tabi ni Azhi.May hawak hawak din itong wine.

'Kaya mo ito self!'

"è delizioso! Provalo"
(T: It's delicious, try it)

Muli akong napatigil nang may kinuha na bote ng wine yung gurl at nilagyan ang baso na hawak ni Azhi.

Ininom nga ni Azhi ang laman nun.

"Latte con bacca blu il sapore, hai ragione è delizioso"
(T: Milk w/ blueberry flavor. You're right, it's delicious)

Di ko sila maintindihan basta ang alam ko tumango tango si Azhi na parang nagustuhan ang laman nun.

"l'ho fatto" Dinig ko doon sa babae.
(T: I made that)

"Questo vino?"
(T: This wine?)

"Si sono molto contenta che ti piaccia" Ngumiti yung babae kay Azhi.
(T: Yes, I'm so glad you like it)

Tumango si Azhi pagkasabi nung babae naiyon.

"Buon Lavoro"
(T: Good Job)

Pagkasabi nun ni Azhi ay nagsipalakpakan ang mga kausap nila.

Mukhang business pinag-uusapan nila tsaka ung wine ata, wala akong alam diyan.

Na-iatras ko na ang isang paa ko.

"Signora Smith?"
(T: Miss Smith?)

Nagulat ako nang mapunta sa direksyon ko ang mga mata nila.

Tumibok na naman nang mabilis ang puso ko.

Napalingon ako kay Azhi pero  nilukob ako ng lungkot nang saglit lamang ako nitong tinignan na parang di kilala at muling uminom ng wine na hawak.

"Do you want to try?"

Napalingon ako doon sa isa pang babae nang mag salin nang wine sa baso at iniabot saakin.

"P-po ah eh..." Napalingon ako kay Azhi, nakatingin din ito saakin sa di malamang reaksyon. Nag iwas na lamang ako nang tingin at tinanggap ang alok saakin para di ako mapahiya.

"Grazie mille" Pasalamat ko.

Huminga ako nang malalim bago nilagok ang laman ng baso.

Napapikit pa ako dahil ang ini-expect ko ay mapait pero hindi pala, masarap iyon.

Book 3 of WCHFIWTSG: When those from two different world's destined to reunite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon